GUNITA

MARCH 02, 2020

Hi! first time ko na magbabahagi sa iyo nang naging araw ko. Naging masaya naman ako ngayon kasi tuloy yung show namin sa San Pablo, Laguna para sa pagtatanghal namin ng dulang "Tatlong Tao sa Isang Libo" makakapag-perform na naman ako matapos ang ilang buwan na pagpapahinga hahhahah iba kasi talaga yung saya na nabibigay sa akin ng pagpe-perform lalo na pag sumasayaw. Excited na ako kahit nakakapagod magpractice alam kong parte yun hahahah. Nag-exam din kami sa Panimulang Linggwistika ngayon at yun kering keri naman "SANA MAKAPASA KAMI."

“ The purpose of our lives is to be happy.” — Dalai Lama.


MARCH 03, 2020

Hello! wala akong masyadong ganap today nag-ayos lang kami ng prelims sa Varayti tapos pagdating ng gabi nagpunta ako sa rehearsal namin para sa isang stage play nakakapagod pero masaya. Sana kayo din charet HHAHAHAHA. K BYE!

MARCH 04, 2020

Hi! GRABE yung pagod ko as in GRABE na maraming E ganito GRABEEEEEEEEEEEE! hahahahaha mula tanghali nasa school ako para magtype ng mga words na mula sa dictionary para sa prelims namin kasi nag back to zero kami at nakakaloka yun as in tapos umuwi ng 6 pm para magready sa practice pero 7pm nasa biyahe pa rin ako ganoon katraffic besh after non pagkauwi nag-ayos ako kaagad para makapunta agad sa rehearsal kahit papaano sumaya puso ko kasi nakasayaw na naman ako tapos pansamantala kong nalimutan yung stress na mayroon sa school at sa bahay yung tipong gusto mo na mag-breakdown pero lagi mong nire-remind sarili mo na "kaya mo ito" "matatapos din lahat ng kailangang tapusin" tapos 12:41 am ako nakauwi habang tinatype ko 'to nalalabas ko lahat ng pagod ko kasi ang saya na may napapagsabihan ako tungkol sa naging araw ko. Lahat kakayanin koooo kaya LAVARN LANG. 

MARCH 05, 2020

Hi! maibahagi ko lamang ahhahaha charot mas maganda yung "SHARE KO LANG" hahahaa nakapagpasa kami on time ng prelims namin sa isang subject masaya kasi kahit umulit kami ng bongga kasi puro english nagawa namin eh napagtagumpayan naman namin na matapos iyon kahit halos lahat kami walang tulog literal kakaloka! pero napalitan naman ng saya yung araw ko na ito kasi last practice namin para sa stage play na gagawin namin sa Laguna sobrang excited ko kasi makakarating na naman ako sa ibang lugar. Isa pa nagmeeting na kami para sa gagawing SENACULO 2020 at sobrang saya ko ulit kasi bahagi na naman ako ng performance na ito, pang-apat na beses ko na itong gagawin at hindi ako mapapagod na maging bahagi ng isang produksyon na nagpapakita ng buhay ni Kristo. Nakakawala din ng stress lalo na at may mga kaklase ako na chini cheer ako kasi na stress ako ng bongga at yung pagod ko sobra din. Thankful ako dahil nakilala ko sila.

"Passion is energy. Feel the power that comes from focusing on what excites you."
-Oprah Winfrey


MARCH 06, 2020

Hello! chichikahin na naman kita 'la ako kausap eh hahahahah. Ang saya din pala na paminsan minsan eh nanahimik ako tulad kanina halos kalahati ng araw ko sa school tahimik ako ewan ko feeling ko naubos yung energy ko para sa linggong ito sa sobrang daming ganap sa layp. Kwento ko lang yung mga naging ganap ko ngayong araw HAHAHHAHA. UNA, pumasok ako sa school malamang may pasok hahahahh sa school ganoon pa din bawat subject may kailangang gawin at ipasa next meeting at para sa akin nagiging normal na yun after naming mag-lunch ng mga trops ko eh napagkasunduan naming maglaro ng charades juskooo tawang-tawa ako as in iba yung saya 'pag sila kasama ko nalilimutan ko pansamantala mga problema ko sa buhay napakadami eh pero nandito ako lumalaban at pipiliing lumaban dahil bawal ang sumuko GANERN! PANGALAWA, uwian namin nakakalungkot lang kasi may nadaanan na naman akong sunog sa Mandaluyong at nakakaawa yung mga pamilyang wala na namang mauuwian na tahanan sobrang laki ng apoy at ang bilis kumalat, dasal ko na sana tatagan nila ang kanilang kalooban at makabangon sila kaagad. PANGATLO, habang nasa CR ako sinabi sa akin ng isang kaklase ko na may confirmed cases ng COVID 19 sa lugar namin at yun ang San Juan City at pagtingin ko nga sa facebook ay yung agad ang bumungad, nakakatakot at nakaka-alarma dahil sa tingin ko ay hindi gaanong handa yung lugar namin para sa ganito pero alam kong ginagawa ng mga taong responsable sa mga ganitong pangyayari ang lahat ng kanilang makakakaya para hindi na kumalat at makahawa pa ang nasabing virus. Lord, gabayan at iligtas niyo po kami laban sa sakit na ito kayo na po ang bahala sa amin. Ingatan mo po kaming lahat lalong lalo na po ang mga taong nagkaroon ng close contact sa taong may COVID. PANGHULI, excited na ako sa show namin bukas sa Laguna at maaga pa akong gigising kaya pagkauwi ko pa lang ay inayos ko na mga gamit na kakailanganin ko bukas para gogora na lang. Sana maging matagumpay ang dalawang shows na ipeperform namin. lavarn! GOODLUCK SA AMIN.

MARCH 07, 2020


Hello! Sobrang nakakapagod pero worth it ng araw na 'to. Nakakapagod kasi pumunta kami sa San Pablo Laguna para magperform ng stage play, yung biyahe sobrang tagal kasi traffic 5 am pa lang umalis na kami dito sa San Juan at dumating kami doon ng mga 8:30 am pagkadating namin doon pahinga kaunti tapos blocking sa stage. Worth it kasi ang daming nanoood at nagandahan sila 'di biro magperform ng isang dula dahil kailangan naming iparamdam at ipakita sa kanila yung mga pnagyayari na naganap noong panahon na nasakop ang ating bansa ng mga Espanyol at nakakatuwa na karamihan ng mga nanoood ay mga ka edad namin, isang paraan ito para mamulat din sila sa isang malaking bahagi ng kasaysayan natin. Sobrang saya ko kasi parte ako ng produksyon na iyon. SOBRANG SAYA KO.

"Hangga't may isang nanonood magtatanghal kami" 

MARCH 08, 2020

Isang normal na araw para sa akin HAHAHHAHA gising ng maaga tapos pasok sa school para sa NSTP tapos pinagawa kami ng Matrix tapos pagkauwi ko natulog agad ako tapos naalimpungatan ako akala ko late na ako sa NSTP kaloka epekto ng sobrang pagod kahapon HHAHAHAHHA. Nakakatakot na ang dami ng confirmed cases ng COVID-19 kaya mag-ingat ang lahat.

MARCH 09, 2020

Hello! HAHAHAAHAH una muna tawa eh no? Para sa akin yung araw na ito kalahating masaya kalahating malungkot. Masaya dahil pumasok kami sa school tapos nagkita-kita kaming magkakaibigan tapos naglaro kami ng charades wala lang masaya lang kasi 'di namin kailangang gumastos ng malaki para sumaya charing. Malungkot dahil pinauwi kami kaagad dahil sa tumataas na bilang ng COVID-19 at kailangang idisinfect ang buong school at mabuti na rin yun para mas maging ligtas ang mga estudyante pati na rin ang mga nagtatrabaho doon. Pag-uwi ko naman sa bahay nagpahinga kaagad ako kasi nakakapagod yung traffic at sobrang nakakaloka kasi parang yung araw katabi namin sa sobrang init HAHAHHAHHA. mag-ingat ang lahat at dasal lang :)

MARCH 10, 2020

Hi! itong araw na 'to ay isang normal na araw lang para sa akin. Suspended ang klase dahil sa COVID-19 kaya ang ginawa ko maghapon ay matulog kaya nabawi ko na lahat ng kulang ko na oras sa pagtulog sinusulit ko na kasi alam kong pagkatapos naming mawalan ng pasok eh sunod-sunod at tambak na ang mga gagawin at kailangang ipasa kaya ready na ako HAHAHHA tapos natapos ko na din yung "I AM U" na series sa Iwant at super duper ganda ng story. Hanggang ngayon pataas ng pataas na ang bilang ng mga nagpopositibo sa COVID-19 at sobrang nakakabahala dahil hindi ganoon kahanda ang ating gobyerno at kulang sa mga testing kits para malaman agad kung positive ba ang isang tao sa isang sakit. Doble ingat ang kailangan at dasal lang :)

MARCH 11, 2020

Kumusta? ako heto okay lang medyo madami akong ganap today HAHHAHAH pero sa bahay lang kasi bawal lumabas at delikado dahil sa COVID-19. Itong umaga ang ginawa ko naghanap ako ng mga sources o batis na need sa isang subject namin pero by group naman pero kakalungkot kasi 20 yung mga kailangan na sources tapos nagchat ako sa GC namin tapos ayun sineen lang nila ako pero okay lang baka kasi busy sila kaya ako na lang naghanap ng 20 na sources tapos sinend ko sa kanila yung file para bukas makuha nila yung mga important details na kailangan at makagawa na ng ppt sana gawin nila. Nitong hapon naman nagluto ako ng Spag, Liempo at Shanghai kasi birthday ng pinsan ko kaya tumulong na ako maghanda eh sanay naman ako magluto 'pag may mga okasyon nakakapagod pero share ko lang isa sa mga paborito kong gawin ay ang magluto lalo na kasama mama ko pero wala eh namantay na siya kaya ako nagpapatuloy na magluto ng mga tinuro niya sa akin na recipe tapos medyo shunga ako sa part na hinatak ko yung lata ng meatloaf ayun nahiwa ng mahaba yung daliri ko. Ngayong gabi ganap ko heto nagsusulat dito pero ang saya kasi para talaga akong may kausap nasasabi ko lahat at hindi ako natatakot na mahusgahan sa mga sinasabi ko dito. Isa pa sunod-sunod na yung mga gawain na binibigay kasi yun nga alaws pasok ng isang linggo at puro online yung gagawing pagkaklase pero okay na din yun ang mahalaga safe kami at hindi masyadong expose sa labas.

Wish ko ngayong gabi "Sana gumaling na lahat ng nagpositibo sa COVID-19 at wala na sanang mahawa. Alam kong imposible pero alam ko kayang-kaya natin malabanan 'yang COVID-19 na 'yan." INGAT TAYONG LAHAT AT MAGDASAL PALAGI.

Sana matapos namin agad yung Varayti. Sana :)  GOODMORNIGHT :)

MARCH 12, 2020

HI! itong araw na 'to ay sobrang nakakapagod oo nga at nasa bahay kami pero sunod-sunod yung mga deadlines ng mga kailangang i-submit online wala namang kaso sa akin yun as in WALA pero yung tipong by group yung activity tapos sine-seen ka lang ng mga kagrupo mo ka-imbyerna kasi ako na naghanap ng 20 na batis para di na sila mahirapan mag-search tapos ang pinapagawa ko na lang sa kanila yung rasyonal tagli-lima kami tapos nagbigay ako deadline at yung deadline na iyon ay naurong nang naurong so inintindi ko sila kasi nga baka mga busy pero nag-antay ako sa wala nagsend sila pero mali inulit ko instruction pero ganoon pa din gawa nila so no choice ako kaya ako na gumawa ng mga rasyonal at kailangang pang gumawa ng powerpoint doon sana kahit 'yon man lang magawa nila SANA kasi kung hindi ako na lang ulit gagawa.

Isa pang nakakalungkot sa gabing ito ay yung ibalita na sa amin na magkakaroon na ng lockdown sa Metro Manila simula March 15, 2020 at suspendido na ang mga klase hanggang April 12 kaya ang lahat ng mga activities ay nasa paraang pa online. Hindi na rin tuloy ang Senaculo namin malungkot pero kailangan naming sumunod dahil para sa kaligtasan din namin iyon. Panginoon, kayo na po ang bahala sa lahat. patuloy niyo po kaming gabayan.

LAHAT KAKAYANIN KAYA LAVARN!

MARCH 13, 2020

Kumusta? Tuwang-tuwa ako 'pag patapos na yung araw ko tapos haharap ako sa laptop para ichika yung mga naging ganap ko sa buong maghapon, pakiramdam ko na palaging may handang makinig sa mga sasabihin ko ewan basta gumagaan yung pakiramdam ko kaya maraming maraming salamat sayo. Nakakalungkot yung buong maghapon ko kasi nasa loob lang ako ng kwarto cellphone, laptop, kain at tulog lang ang gawa kasi walang makausap dito lahat busy pero okay lang HHAAHAHA naging productive naman yung araw ko kasi may mga natapos ako na ipapasa online na ilang araw pa bago ipasa pero nakaready na hahahahha sinipag ako gumawa eh HAHHAHAHAH oo nga pala FRIDAY THE 13th ngayon isang normal na araw para sa akin. GOODNIGHT!

"HINDI AKO MAPAPAGOD MAGDASAL PARA SA KALIGTASAN NG LAHAT. KAYO NA PO ANG BAHALA SA AMIN PAPA G."

P.S Miss ko na mga trops ko sa school laro na tayo shareyds HAHAHAAH

MARCH 14, 2020

Hello! miss ko na mga trops ko isang buwan kaming hindi magkikita-kita, oo nga at may facebook para ma-chat sila pero iba pa din kapag personal ko silang nakakachikahan hayst ang lungkot. Wala rin akong masyadong ginawa ngayong araw kasi natapos ko na kahapon yung mga need i-submit online at ipapasa na lang sa mismong araw ng pasahan, ang saya lang kasi hindi ako masyadong nangangarag at hindi ako natatambakan ng mga gawain. Ngayong gabi,  nalulungkot na naman ako pero 'di ko alam ang dahilan minsan dumadating ako sa point na 'to I mean gabi-gabi akong nasa point na 'to at ang hirap kasi walang makausap dahil alam ko naman lahat ng kakilala ko may problema din ayaw ko naman dumagdag, simpleng hi or hello lang masaya na ako.

P.S sobrang miss na miss ko na Mama ko.

PAPA G. Hangad ko po ang kaligtasan ng lahat. Sana hindi magtagal ang krisis na kinakaharap ng aming bansa.Sana dumating yung araw na gigising kaming lahat ng panatag,walang takot at pangamba. Itinataas ko po ang lahat sa inyo nawa'y tulungan niyo po kami. Amen. 
MANANATILING MATATAG PARA SA PANGARAP! 

MARCH 15, 2020
DAY 1 of ComQua

Hi! so yun HAHHAHAH tawa muna bago chika GANERN! yung araw ko ngayon sakto lang saktong masaya, saktong nakakapagod HAHHAHAHA. Masaya kasi nandito lang ako sa bahay maghapon at nakakapanibago yun kasi alam mo naman may pagka-DORA si ate mo girl, yung tipong hindi ako mai-stress sa biyahe 'pag papasok sa school ganern HAHAHHA. Nakakapagod kasi ginawa ko yung exercises na pinapagawa sa amin sa PE at boom! nanlata talaga ako kasi nabigla katawan as in kahit pa sabihing tig-30 seconds lang bawat exercise eh 10 yun tapos cardio pa yung focus abanays di ba? HAHAHHAHA after ko mag-exercise pahinga konti tapos kain HAHAHHAHA tawa ulit tapos sa sobrang pagod ko pati yung kinainan kong paperplate hinugasan ko tapos nagtaka pa ako kung bakit lumambot yung hawak yun pala basa na yung paper plate at isa siguro 'to sa BEST LUTANG MOMENTS ko. Bago ako matulog ngayon inayos ko ulit yung ppt namin kasi sumobra kami sa slides kaya inayos ko pa buti na lang tinulungan din ako nung isa kong kaklase para mapadali yung gagawin ko kaya "Thank you sa kaniya". babush na masaydo na akong machika. Salamat sa pakikinig.
PUHON: MAGING MAAYOS ANG LAHAT. 
PAPA G. gabayan niyo po kaming lahat AMEN!

MARCH 16, 2020
DAY 2 of Enhanced ComQua

Hi! wala naman akong masyadong chika ngayon kasi buong araw ko nasa bahay lang ako walang ganap ganern HAHHAAHA ang saya din na nandito lang ako sa bahay kasi nakaka-bonding ko yung kapatid ko kasi minsan na lang kami magka-usap kasi lumaki na siya HAHAHHAHA dati baby ko yun pero nung nagbinata hay nako ang ilap na sa amin pero naiintindihan ko naman kaya ayun masaya lang ako na nagkakaroon kami ng ganitong quality time. Ang daming nangyayari sa paligid no? pero ganoon talaga ang buhay kaya wag tayong mapagod magdasal dahil darating yung isang araw na lahat ng pinagdadaanan natin ay matatapos. Share ko lang pala nakabuo ako ng tula para sa Mama ko at saka para sa akin na din HAHHAHAHAHAH sorry malungkot yung tula  :(

P.S pakak na pakak yung panonood namin ng mga videos sa mga subject HAHAHHAHAHA ang saya lang instant VIDEO MARATHON: ONLINE REPORTING EDITION K BYE!

Maraming SANA…

SANA di ka na lang nawala
SANA isang araw bumalik ka
SANA isang araw maging okay na ako
SANA isang araw malagpasan ko ‘to
SANA TALAGA.

Araw-araw akong lumalaban sa lungkot
Tuwing nandyan ka wala akong takot
Ngunit nung lumisan ka daig ko pa ang puro poot
Mundo ko’y napuno ng pawang mga sapot

Oo naiinggit ako
Sa mga mag-nanay na nakikita ko
Naalala kita
Lalo na nung kasama pa kita

SANA pwedeng i-extend ang buhay
SANA wala na lang namamatay
SANA kasama kita habambuhay
Ngunit ito ay isang SANA na kahit kailan ay di na mabibigyang kulay

Ang lungkot na ng mundo no?
Kaya ako pinipili ko na lang magkulong sa kwarto
Malayo sa lahat ng negatibo na mayroon ang mundo
Pilit kong binabalik ang dating ako

Ako na masiyahin
Ako na masigla sa mga gawin
Nagbago ako at yun ang totoo
Lahat ng tao nagbabago dulot ng mga pinagdaanan nito

Tara! Mag-TikTok tayo Ma
Tara! Foodtrip tayo Ma
Mga katagang kailanman ay di ko na sa iyo masasambit
Sapagkat ikaw ay habang buhay nang nasa langit

MAHAL KITA MA!


MARCH 17, 2020
DAY 3 of Enhanced ComQua

Hi!  Wala 'kong ganap today kasi dito lang ako sa bahay buong araw gumagawa ng mga activities na ipapasa online. Para sa akin okay lang na may mga binibigay na activities kasi atleast may iba pa kong nagagawa bukod sa pagfe- Facebook, Twitter, IG, Youtube tapos ngayon parte na ng buhay ko yung Google Classroom at Edmodo medyo nalilibang din ako kasi hindi ako tengga buong araw tapos nagiging productive pa ako kasi 'di ako natatambakan. Nakakatuwa yung mga Profs namin lalo na yung Head ng Department ng Fil kasi gumagawa sila ng paraan para mamonitor kaming mga estudyante nila, sa kung ano na yung lagay namin at pinapakita talaga nilang corcen sila sa amin kaya thankful ako para sa kanila. 

Nilutuan din kami ni Papa ng Lugaw kasi medyo matagal na rin nung last niya kaming nilutuan non kaya ang saya lang nagiging malapit kami sa isa't-isa at nagkakaroon na din kami ng time para makapag-usap 'di kasi namin yun talaga nagagawa dahil busy sa trabaho at school kaya sa ngayon eenjoyin ko muna 'tong mga oras na nandito kaming lahat sa bahay dahil minsan lang 'to mangyari. 

lagay ko lang din pala yung sinabi ng Department Head namin na si Dok Mom tungkol sa nangyayari ngayon na sobrang laki ng impact para sa akin. 

"Mas magandang lesson na itinuturo ng krisis ngayon ay oras sa sarili at pamilya. Mas maraming sugat ang gumagaling."

Sana maging okay na ang lahat. AMEN!


MARCH 18, 2020
DAY 4 OF Enhanced ComQua

Hi!  wala ako ganap today eh tamang kain, tulog, check ng Facebook, Twitter, Ig, Edmodo at Google Classroom HAHHAHAHAH tapos gawa ng ilang activities. Yes po 'yan po ganap ko sa araw-araw habang naka-quarantine HAHHAHA tapos pumunta din pala kami ng Ate ko sa Puregold para bumuli ng mga pagkain kasi kagutom legit lalo na 'pag alaws magawa HAHAHHAH tapos yun super haba ng pila kaya sa Mercury Drug na lang kami bumili tapos uwi agad tapos ligo kasi galing sa labas HAHHAHAHA tapos gumawa ako ng listahan ng mga activities (CALENDAR) para sa buwan ng March. 

Isa pa nilagyan ko ng mga pangalan ng ulam yung mga stock na itlog sa bahay kasi wala na talaga ako magawa kaya 'yun yung pinagtripan ko HAHHAHAHAH SKL yung pic HAHHAHAHA


                   

So yan lang muna for today HAHAHHAHA bukas ulit tingnan ko kung ano na naman magagawa ko dahil ka-buryungan HAHAHHA GOODVIBES LANG :) 

SANA BUMALIK NA ANG LAHAT SA DATI. PAPA G KAYO NA PO ANG BAHALA NAWA'Y GABAYAN NIYO PO KAMI. AMEN!


MARCH 19, 2020
DAY 5 OF Enhanced ComQua

HELLO! ano ba kukwento ko sayo? HAHHAHAHAH so ang naging ganap ko lang ngayon kumain, maulog at gumawa ng mga activities tapos isa pa pala ginupitan ko ng bangs yung ate ko hahahha pwede na akong maging BARBERIST charet 'yun lang tapos wala na HAHHAHAH 'di rin ako lumabas sa bahay eh tapos 'yun matutulog na ulit HHAHAHAH saya 'di ba? tsaka na kita chichikahin nang bongga 'pag madami ako ganap so tingnan natin bukas kung ano ganap ko K BYE! sa ngayon dasal muna tayo para sa kaayusan ng mundo.

PAPA G. Salamat sa lahat ng paggabay nawa'y patuloy miyo po kaming ingatan lalo na po sa panahon ngayon gabayan niyo din po lahat ng frontliners na walang pagod na tumutulong para mapuksa ang sakit na kumakalat. Nawa'y bumalik na sa dati ang lahat AMEN!

MARCH 20, 2020
DAY 6 OF Enhanced ComQua 

HELLO! hahahah kaninang hapon niyaya ko yung ate ko na mag-workout tapos 'yun pumayag siya maya-maya nagstart na kami tapos pala ang ginawa namin na workout ay yung pang CARDIO na bonggang bongga magpabilis ng tibok ng puso malamang cardio nga eh HAHHAHAH nakuha ko yung set ng exercise na yun sa Prof namin sa PE shoutout kay Ma'am char so yun nga pagkatapos namin mag-workout sumuko ate ko eh HAHHAHAHA natapos naman namin kaya lang pagoderi nang bonggaluuuu mamang hahahahha tapos pagkagabi naglaro ako ng bingo online yung may mga template ang saya lang skl tapos sa mga oras na 'to nagugutom ako hahhahah bawal naman lumabas para mag-mcdo or jabee so no choice PANCIT CANTON na lang HAHHAHAHA. Sana talaga bumalik na ang lahat sa dati.

PAPA G. SANA PO TALAGA MAGING OKAY NA ANG LAHAT.  AMEN!

MARCH 21, 2020
DAY 7 OF Enhanced ComQua

HELLO! habang tumatagal yung pagi-stay ko dito sa bahay unti-unti na akong nasasanay yung tipong ayoko nang magtagal sa labas 'pag may binibili ganern wala lang parang oo nga mas okay 'pag nasa bahay ka lang malayo sa disgrasya tapos tahimik lang buhay ganern. Isa pa sa ginawa ko ngayong araw ay yung isang tula na balak ko sana i-submit sa SNF kasi pinagdiriwang ngayon ang #WorldPoetryDay2020 kaso nauunahan ako ng tula kaya inilagay ko na lang sa MYDAY kahit kinukulit ako ng mga kaibigan ko na itry ko daw yung gawa ko yun nga nahihiya ako tapos machika ko lang pala kagabi pareho kaming nagce-cellphone ng ate ko nang biglang mahulog yung earphone sa sahig na galing sa la mesa partida yung laglag niya para talagang binato kaya nagkatakutan kami pero sabi namin baka mama lang nami yun pinapatulog na kami kasi anong oras na yun eh.

PS. Lagay ko lang yung pic ng tula na ginawa ko about sa COVID-19 :)

PAPA G. Gabayan niyo po kami. Sana bumalik na ang lahat sa dati. AMEN!

                                                 Image

MARCH 22, 2020
DAY 8 OF Enhanced ComQua

HI! isang normal na araw para sa akin natulog ako ng late mga 3 AM tapos gumising ng 12 PM tapos naligo syempre 'di ako kagaya ng iba dyan na porket alaws pasok alaws na din ligo joke peace hahahhahah tapos lamon all day ganern kaya pakak na pakak din pagtaba ko hahahah tapos nood ng mga tiktok vids tas gumawa na din ako ng ilang vids sa tiktok hayst iba talaga nagagawa ng quarantine HAHAHAHA tapos Iwant tamang nood tapos youtube soundtrip ng mga kanta ng Ben & Ben in short tamagotchi po ako ngayong araw kasi wala pang activities na pending kaya pahinga galore tayo ganern tapos nakinig ng news tungkol sa COVID-19 at nakakalungkot na padami nang padami ang cases na positive sana makarecover na agad sila at umayos na ang mundo. Yun lamang po. K BYE!

"HINDI AKO MAPAPAGOD MAGDASAL PARA SA KALIGTASAN NG LAHAT. KAYO NA PO ANG BAHALA SA AMIN PAPA G."

MARCH 23, 2020
DAY 9 OF Enhanced ComQua

HELLO! alam mo ba na ang saya ko kasi ang dami kong nagawang tula tapos yung tema tungkol sa sarili ko, sa mama ko at sa lahat sa krisis na pinagdadaananan ng buong mundo. Ang sayang bumuo ng tula kasi kahit dito man lang malabas ko yung saoobin ko tungkol sa mga nangyayari walang huhusga kasi ako lang naman ang nakakabasa. sinabi ko din sa sarili ko na kada- linggo dapat may isang tula ako habang naka quarantine tapos pag sinipag baka gawin kong araw-araw. Gusto ko ng lumabas sa totoo lang gusto ko na mag-milktea, kumain ng French Fries at makita mga trops ko konting tiis na lang alam kong matatapos din ito sa ngayon dito muna ako sa balur tambay mode ganern hahahhaha.

eto yung isa kong nagawa na tula.

MASS TESTING
3-23-2020

Nagkakagulo ang mga tao
Dahil sa mga pulitiko
Mga tuso at gahaman
Ganid sa kapangyarihan

Inuna ang mga sarili
Sabagay sila ay makasarili
Inuna ang mga kapamilya
Kahit kapalit nito ay buhay ng iba

Kulang “RAW” sa mga test kit
Kaya ultimong may sakit
Hinahayaang mamilipit
Kasi wala silang paki at marami ng kupit

Kulang “RAW” sa mga test kit
Kaya sa iba’y walang malasakit
Mahalaga ang pamilya nila’y ‘wag magkasakit
Pinatest kahit walang sakit

Marami ang may sintomas
Lahat iba iba ang danas
“Ihuli na sila” sabi ng nasa taas
Walang lalaban kasi sila ang BATAS

“Mass Testing” sigaw ng mga tao
Dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso
Gobyerno’y walang kibo
Sa trono’y masayang nauupo

Tunay ngang walang puwang ang mahihirap sa mundo
Sila palagi ang talo
Tinatanggalan ng boses
Panahihirapan ng labis

Ngunit tama na!
Tayo’y magkaisa
Ikaw, ako tayo
Kayang magbigay ng pagbabago

Mga tusong pulitiko
May karma din sa dulo
Matatapos ang termino
At walang mukhang maihaharap sa mga tao

Mga ganid
Utak ay makikitid
Goodluck sa inyo KAPALtid

Magkita sana kayong lahat sa bilibid

SANA TALAGA MAGING OKAY NA ANG LAHAT. AMEN!


MARCH 24, 2020
DAY 10 OF Enhanced ComQua

HI! sorry wala akong ganap today as in pero once na magkaganap ako ichichika ko sayo lahat HAHAHHAH GOODVIBES LANG :)

MARCH 25, 2020
DAY 11 OF Enhanced ComQua

HELLO! ang ginawa ko lang maghapon eh gumawa ng tiktok vids HAHHAHAHA kakabaliw dito eh kaya naglibang lang ako doon at super saya sana kayo din HAHAHHAHA GOODVIBES LANG :)

MARCH 26, 2020
DAY 12 OF Enhanced ComQua

HELLO! ang saya ng araw ko kasi feeling ko ang productive ko HAHHAHAHA nakapaglinis ako ng kwarto namin, nakapaglaba ako tapos nagluto ako ng ulam namin na Sinigang tapos ngayong gabi pinagsasama-sama ko yung mga activities per subject tsaka mga deadlines non para wala akong makaligtaan para di din ako matambakan HAHHAHAHA yun lang muna. SALAMAT!

PAPA G. Gabayan niyo po kami. Sana bumalik na ang lahat sa dati. AMEN!

MARCH 27, 2020
DAY 12 OF Enhanced ComQua

HI!  yung araw ko ngayon ay bongga HAHAHAHA kasi nakatulog ako ng bongga din hahahha tapos nagawa ko yung sa STS namin na dalwang reaction paper tapos after ko gumawa non tumambay ako sa may garden wow sana all may garden charing! so yun nga tumambay ako doon kasi nagkabit papa ko ng duyan para may lugar ako na pwedeng tambayan na chill lang tapos yun tamang patugtog lang ng mga kanta ng The Juans, December Ave. at Ben & Ben tapos nagtry ako gayahin yung challenge sa facebook about sa penmanship tapos yun successful naman lagay ko pic dito :) after ko gawin yun humiga ako sa duyan tapos nakatulog na pala ako tapos bigla akong ginulat ng ate ko tapos as in gulat na gulat ako alam mo yung naalimpungatan ka na ewan kasi akala ko nahulog ako sa duyan pucha kaya yun binatukan ko ate ko pero mahina lang naman. Totoo nga yung kasabihan na magbiro ka na sa lasing 'wag lang sa bagong gising HAHHAHAHA Last, sinama ko sa paggawa ng mga tiktok vids yung mga ate ko dito enjoy naman sila hahahaha simpleng gawain pero ang laking impact sa akin kasi bonding moment na din namin yun. Ang dami ko na naman chika sayo kasi 'di ba sabi ko 'pag may ganap ako lahat ikukwenton ko kaya ayan. 

P.S Bago ako matulog nauntog ako sa ulo ng kapatid ko ayun napakalaking bukol legit K. Bye 

INGAT ANG LAHAT AT BABALIK DIN TAYO SA DATI NATING BUHAY. TIWALA LANG :)

MARCH 28, 2O2O
DAY 13 OF Enhanced ComQua

HI!  wala akong ganap ngayon HAHHHAH tamang tiktok na lang ako dito sa bahay tapos 'di ako nakapag-workout kasi nagpunta kami ng pinsan ko sa puregold tapos imagine 12 ng tanghali nandoon na kami para pumili tapos 3 pm na akmi nakapasok sa loob tapos 4pm na kami nakauwi kakaloka ang haba ng pila tapos ang haba ng oras na mag-aantaykaya 'pag pumunta talaga doon dapat sulit na tapos isa pang nakakalokang nangyari doon eh yung kukuhaan ng temperature tapos edi ayan na tinapat na sa akin yung thermal scanner tapos una kong temp 37.5 degree celcius edi ang taas daw kaya inulit ni kuya guard tapos ang next naman na lumabas eh 37. 9 edi ako kabado bente na kasi 'di naman ako lumalabas ng bahay tapos hindi talaga ako mainit swear tapos yung pinsan ko tinatawanan na ko kasihalata daw na kinakabahan ako halerrr mamang sinong hindi eh wala naman akong lagnat tsaka isa pang nakakatakot ang lapit ng ospital sa amin mamaya dalhin ako doon HAHAHHAHA tapos pinacheck nung guard saisa niyang kasamahan temp ko tapos ayun 37 lang pakaba si kuya gard kaloka tapso nalaman ko na hindi lang ako yung naganon marami pala tapos yung iba umaabot pa daw ng 38.5 heelleeeerr ano pa kumbulsyon na ganern nako po kaloka talaga sikuya guard pumapalya thermal scanner niya samantalang sa isang guard ang ayos kumuha ng temp wooohhhoo tapso yun nakapasok na kami sa loob tapos nakauwi ako ng buhay HAHAHHAHA kala ko talaga nako po ahhahahah k. bye yan lang muna for today :)

INGAT ANG LAHAT  :)

MARCH 29, 2020
DAY 14 OF Enhanced ComQua

HELLO!  So, ngayong araw ang ginawa ko lang eh magtiktok sa hapon, exercise sa umaga tapos kain sa gabi aywow hahahahha 'yan po talaga routine ko araw-araw HAHAHHAHA tapos ngayon nagluto ako ng spaghetti para mayroon kaming konting mapagsaluhan kasi kumpleto kami dito sa bahay tapos birthday din ni Tito Bob kaso patay na siya kaya pinagsindi na lang namin siya kandila tapos nag-nail polish ako wow arte HAHAHHAHA. Nakakalungkot lang sa lugar namin kasi yung Mayor namin kailangang mag-self quarantine matapos mag-positibo yung isa niyang staff sa COVID-19 tapos nakausap niya pa ng personal bago nila malaman yung result na positive pala kaya parang napilayan ang San Juan hayst sa dami ng problema na kinakaharap ng mundo, ng bansa at ng lungsod namin at isa lang akong simpleng mamamayan at ang tangi ko lang magagawa e mag-alay ng dasal para sa lahat at promise 'di ko talaga kinakalimutan na ipagdasal ang lahat kaya sana marinig na ako Papa God ta pati na rin yung ibang nagdadasal na sana dinggin at tuaprin na niya mga dasal namin gustong-gusto ko na bumalik ang lahat sa normal at aasahan ko yun  :)

KAYO NA PO ANG BAHALA PAPA GOD. SALAMAT PO SA LAHAT :)

MARCH 30, 2020
DAY 15 OF Enhanced ComQua

HI! wala akong masyadong ganap today. Ang ginawa ko lang para sa maghapong ito ay nag workout ako sa umaga tapos kaya ko pala na ang kainin lang sa maghapon eh mag tinapay kasi sabi ko tama na muna rice hahahha tapos tubig tsaka milo tsaka kape lang ininom ko tapos nagpunta kami  ng puregold ulit tapos mcdo pagkatapos tapos uwi na. hapon naman nag-tiktok lang ako hanggang mag gabi HHAHAHAHH

MARCH 31, 2020
DAY 16 OF Enhanced ComQua

HELLO! ang saya ko kasi after 12345678910111213141516 days oh di ba 'di niyo binasa kung ilang days HAHAHAHHAHA finally nakainom na din ako nung totoong milktea na may pearl nung last kasiyung sa nestea lang na milktea nainom ko tapos alaws pa pearl kaya sobrang saya ng puso ko as in HAHHAHAHA tapso nag-enjoy mga tao dito sa bahay kasi marunong ako maggupit ng bangs kaya ayan nagpagupit sila so apat na kaming may bangs dito hahahhahaa tapso tiktok again tapos saing ng kanin tapos facebook facebook na lang tamang sali lang sa mga games doon pero ayoko kasi pala post kaya pag may need ipost di na ko nasai pero nakakatuwa kasi ang gaganda ng mga messages nila sa akin ang saya sa puso na ganoon pala naf'feel nila sa akin kaya nakakaganda lalo ng araw. Isa pa pala kaninang hapon jusko sumemplang ako sa duyan as in puchaaa! taob ako eh medyo shunga ako sa part na nagpaswing swing pa ko ending bagsak ako sa lupa HAHHAHAHAHA.

                                   PUHON: MAGING MAAYOS NA ANG LAHAT. 

APRIL 01, 2020
DAY 17 OF Enhanced ComQua

HELLO! unang araw ng Abril at wala pa ring pagbabago patuloy sa pagtaas ang mga kaso ng mga nagpopositibo hayst ano na Earth keri ba this month? Gusto ko ng matapos 'to para bumalik na ang lahat sa normal kaya SANA TALAGA. Ang ganap ko lang ngayon eh nagsimula na ko ulit gumawa ng mga activities kasi goal ko bago ma-April 10 tapos ko lahat ng need ipasa one week after mag-resume ng klase para wala ng masyadong iisipin att di mangangarag. Miss na miss ko na mga tropa ko sana makita ko na ulit sila tapos may times talaga na naiiyak na lang ako bigla kaloka epekto ng quarantine tapos proud na 'ko sa sarili ko kasi 'di ako nag-TikTok oh di ba nakayanan ko HAHAHHAHA tapos balak ko bukas ulit 'di ako magti-TikTok pero dahil April 1 pa din naman ngayon syempre joke lang na hindi ako magti-tiktok bukas isssaaapraank! HAHAHHAHAHA balik na ko sa tiktok mode ko hahahhah so ayan lang mga kagabnapan ko for today tapos isa pa pala nagmessage ako sa GC namin sabi ko miss ko na sila tapos yun sineen lang 'di naman masakit kaunti lang promise HAHHAHAAH char basta miss ko na sila at mahal ko sila kahit mga seener sila.

PUHON: MAGING MAAYOS NA ANG LAHAT. 


APRIL 02, 2020
DAY 18 OF Enhanced ComQua

HELLO! kumusta ako? okay naman buhay pa at safe sa balur namin. Walang masyadong ganap 'di ako nakapag-tiktok hahahah kasi tinamad lang ako at gusto ko lang muna mag-chill kasi nakakaloka na yung mga nagyayari sa bansa. May mga kaklase akong 'di nagkakaintindiham sa social media dahil magkaiba sila ng pananaw pagdating sa gobyerno na dapat ay hindi naman pag-ugatan ng pag-aaway dahil para sa akin dapat nirerespeto ang opinyon ng ibang tao. SANA MATAPOS NA 'TONG LOCKDOWN PARA BUMALIK NA SA NORMAL ANG LAHAT. ALAM KONG MANGYAYARI IYON KAILANGAN LANG NATING MANIWALA. Gumawa 'din pala ako ng pangalawang account ko sa twitter kung saan doon ko inilalagay ang mga tula about sa nangyayari sa atin. 

                                       PUHON: MAGING MAAYOS NA ANG LAHAT. 

APRIL 03, 2020
DAY 19 OF Enhanced ComQua

HI! normal na araw nagising ako ng tanghali tapos inom ng milo tapos tinapay lang para sa "BRUNCH" (breakfast at lunch) kasi ayokong kumakain ng madami sa tanghali ng madami tsaka ayoko magkanin sayang workout pero ang nakakaloka sa gabi ako panay kain HAHHAHAHA so alaws 'din pero wala eh yun na naging routine ko mula nung pangalawang araw ng lockdown at yun pa din ang magiging routine ko hanggang matapos ang lockdown tapos yung body clock ko 12 nn na talaga hahahahah as in 'di na kailangan ng alarm para gumising ng ganoong oras kasi matic na tapos yun nga after ko mag-brunch naglaba ako ng mga damit namin so "LABANDERA MODE" ang peg ng lola niyo ngayon HAHHAHAH tapos siyempre after ko maglaba ligo naman kasi 'di porket lockdown at sa balur lang eh alaws na ligo ay mamang chaka naman non pag ganon kaya ekis 'pag ganoon hahahahha after ko maligo at mag-ayos nag-laptop naman ako at nanood ng "BLOCK Z" sa Iwant grabe as in grabee na maraming E HAHHAHAHA napakaganda tapos ang intense ang galing nilang lahat yun nga lang medyo bitin kasi 'di mo alam kung anong nangyari after nila makalabas sa campus tapos sa ending nagpakita lang si Angel Locsin tapos ending na HAHAHHA pero na-enjoy ko naman. Isa pa pala nakapag-milktea lit ako kasi binilhan ako ng pinsan ko kaya ayun buhay na naman ang mamshie niyo. 

                                           PUHON: MAGING MAAYOS NA ANG LAHAT. 

APRIL 04, 2020

DAY 20 OF Enhanced ComQua


HELLO!  nadi-disappoint ako sa sarili ko kasi 'di na naman ako naging productive ngayong araw pero promise talaga bukas seryoso na ko start ko na lahat ng gawain ko para wala na masyadong iispin sa pasukan. Ang saya ko kasi ang ganda nung message ng kaklase ko sa akin like ganoon pala dating ko sa kanila na gusto niya kong maging bestfriend ang saya kasi sa pakiramdam kapag ganoon yung sinasabi sa akin ng ibang tao nakakagaan ng loob at nakakabawas sa stress at negativity na mayroon ang Earth charet hahahha. Isa pa nagpunta kami sa grocery store kanina tapos nadulas ako kasi may basa pala doon syempre pahiya ako pero tumayo ako agad tapos kasama ko pa pinsan ko saaaper tawa siya sa akin samantalang ako patay malisya HAHHAHA pagkauwi namin ligo at bihis agad ako eh kasi nga galing sa labas at medyo basa short ko hahahhaha tapos nag-tiktok ako ngayon HAHHAHAHAH naminss ko eh pero sana all nami-miss ISANG MALAKING CHAROT HAHAHAH. K BYE

PUHON: MAGING MAAYOS NA ANG LAHAT. 

APRIL 05, 2020
DAY 21 OF Enhanced ComQua


HELLO! ang saya ko kasi may mga na- accomplished ako na schoolworks na akala ko 'di ko na naman magagawa pero yun nga sinapian ako ng kasipagan kaya dalawa na-check sa to do list ko hahhaha sana bukas ulit ganern mood ko hahahhah. Maghapon lang ako na nasa bahay tapos tamang laptop lang tapos patugtog ng mga kanta ng Air Supply promise APAKAGANDA ng mga kanta nila kahit luma na pero yung vibe boom nakaka-chillax hahahhah after ko gumawa tamang browse lang ng IG at FB tapos twitter tapos tiktok na HAHAHAHAHA yan lang mga ganap ko for today. 

PUHON: MAGING MAAYOS NA ANG LAHAT. 


APRIL 06, 2020
DAY 22 OF Enhanced ComQua

HI! isa na naman 'to sa mga unproductive day ko HAHAHHAHA pero masaya pa ko niyan tapos ngarag later hahahahha kaya bukas ipu-push ko talaga sarili ko na gumawa HAHHAHAHA tapos kanina nagbasa ko ng mga sanaysay at dagli na shinare ng mga profs ko sa page namin tas ang gaganda ng kwento after non nanood naman ako ng mga documentaries ng I- witness at sobrang eye-opener para sa akin yung mga kwento na naf'feature doon na ang swerte ko kasi may maayos ako na buhay samantalang sila na mas bata sa akin eh kailangan pang magtrabaho para makakain kaya nai-inspire din ako na mas magpursige pa sa buhay tapos next naming pinanood ng pinsan at kapatid ay yung "Block Z" kahit natapos ko na sinamahan ko ulit sila manood tapos naging comedy siya kasi yung pinsan ko jusko grabe kung makatili hahhahah tapos tinatakot niya yung inaanak niya HAHHAHAH nanginginig kasi 'pag nakikita niyang umaatake mga zombies hahahah 4 years old pa lang yung bagets kaya ang saya takutin char HAHHAHAHA 'di din namin natapos kasi nashokot ng bonggalu si bagets hahhahah to be continued bukas HAHAHHAH. Nagluto din pala ako ng Carbonara kasi alaws magawa tapos nagutom kami sa panonood kaya ayan may pang-carbo kaya nagluto tapos nasarapan naman sila tapos nag-request sila spag naman daw bukas tuwang-tuwa kasi sila 'pag ako nagluluto eh pasado kasi sa mga panlasa nila. 

Sana matapos na itong pandemya at bumalik na ang lahat sa normal at willing ako mag-antay hanggat dumating yung araw na yun at 'di ako nagsasawang magdasal para magkatotoo na yun. K BYE!

PUHON: MAGING MAAYOS NA ANG LAHAT. 


APRIL 07, 2020
DAY 23 OF Enhanced ComQua

HI! KALOKA!  extended ang lockdown kaya matagal pa bago makabalik ang lahat sa normal hayst ano na ba nangyayari sa mundo sana isang araw gumising tayo na maayos na ang lahat tungkol nga pala sa naging araw ko ayun okay naman naonood lang naman ako ng K-Drama HAHHAHAH naadik na ako as in APAKAGANDA NG ITAEWON CLASS AS IN unang episode pa lang naiyak na ko HHAHAHAHHA buti sinuggest ng kaklase ko kahit papaano 'di ako nabuburyong natapos ko limang eps sa isang araw tapos bukas ulit APAKAGWAPO NI PARK SEOROYI bagay kahit ganon bangs niya HAHHAHAHAH K.BYE INGAT ANG LAHAT!

PUHON: MAGING MAAYOS NA ANG LAHAT. 


APRIL 08, 2020
DAY 24 OF Enhanced ComQua

HELLO! HAHHAHAH Kaloka 1 pm na ko nagising dati mga 11 am 0r 12 nn gising na ko pero ngayon kaloka ala una! HAHHAHAHAH kaya pagkakain ng brunch pahindag tapos ligo agad at simula na araw ko charot akala mo talaga hahahhaha start na ng panonood ko ng itaewon class apakaganda grabee!!! at wala akong masyadong ganap ngayon nakipag-away pala ako sa ate ko kasi wala akong magawa kaya ininis ko siya at yun nainis naman siya hahahah ATTITUDE daw ako hahahah pasensiya wala na 'ko magawa eh kaya siya naisip ko inisin pagkatapos ko mang-asar eh diresto na ulit ako sa panonood ng K-drama. Ingat ang lahat sana safe kayo. K-BYE!

APRIL 09, 2020
DAY 25 OF Enhanced ComQua

HELLO!  Nakakalungkot dahil ngayong taon hindi kami makakapagtanghal ng Senaculo, ngayon sana ang pang-apat na taon namin sa paggawa ng ganoong stage play pero dahil sa COVID-19 ay nakansela ito hindi ako sanay na holy week na holy week walang ganap 'di makapagsimba, walang rehearsal at higit sa lahat wala yung mga bagay na nakasanayan nating gawin. Umaasa ako na sa susunod na taon eh maayos na ang lahat at makakapagperform kami ulit ng Senaculo. Sa ngayon, hanggang nood na lang muna ako ng mga previous vids namin noong nakaraang tatlong taon. Maiba tayo HAHHAHAHAH episode 13 na ko ng Itaewon class shemayyyy ang ganda as in konting kembot na lang patapos ko na yun next ko Crash Landing On You. 

PUHON: MAGING MAAYOS NA ANG LAHAT. 

APRIL 10, 2020
DAY 26 OF Enhanced ComQua


HI! Naiinis ako nagloloko yung site na pinapanooran ko ng k-drama kaya 'di ko pa matapos yun yung Itaewon Class last episode pa naman na ako at nasimulan ko na hayst pero sulit sobrang NAKAKAKILIG hahahaha. UPDATE: NATAPOS KO NAAAA!! HAHAHAAH APAGAKAGANDA NG ENDING NAKAKAKILIG AS IN HAHHAHAH. 

Ang tagal na ng quarantine mag-iisang buwan na at sana matapos na yung pandemya na 'to kasi 'di talaga biro kahit sabihin pa nating nasa bahay lang tayo eh paano naman yung mga walang pahinga na mga frontliners na buwis-buhay araw-araw. Isa pang nakalulungkot ay ito sana yung araw na nasa Subic kami para magtanghal ng Senaculo pero nang dahil sa COVID-19 hindi natuloy at sobrang nasasayangan talaga ako hindi dahil makakapunta na naman ako ng ibang lugar kung hindi makakapag-perform na naman kami at isa pa sa ikinakalungkot ko eh miss ko na kasi mga kasama ko sa teatro sana after nitong covid eh maperform ulit namin yung play namin na 'Tatlong Tao sa Isang Libo" SANA. 

Napakalungkot din dahil wala ngayong taon yung tradisyon ng mga Pilipino na magprusisyon ng mga karo na lulan sila Mama Mary at Patay na Hesus na taon-taon eh inaabangan namin at wala ring salubong na magaganap napakaraming kinuhang mahahalagang pangyayari itong pandemya na 'to pero ganoon pa man marami pa ring bagay na dapat ipagpasalamat at ikatuwa. Una na doon ay wala ni-isa sa pamilya ko ang na-infect nG Covid-19 kaya sana hanggang matapos itong lockdown ay ligtas kaming lahat. Pangalawa, nandito pa rin tayo buhay at humihinga 'yon pa lang solve na ko kaya salamat sa Diyos at nawa'y sa muli niyang pagkabuhay ay mawala na ang pandemyang kinahaharap ng mga bansa sa buong mundo at makahanap na ng lunas para sa sakit na ito at naniniwala ako na malalagpasan natin ito kaunting panahon na lang LALAYA NA TAYO! 


PUHON: MAGING MAAYOS NA ANG LAHAT. 


APRIL 11, 2020
DAY 27 OF Enhanced ComQua

HELLO! sa sobrang tagal ng quarantine wala na 'kong machika sa inyo kasi paulit-ulit lang ginagawa ko dito at hindi masyadong exciting mga ganap ko sa buhay. Sana maaga akong makatulog ngayon kasi sobra na ko kung magpuyat as in at ramdam ko na yung epekto minsan nahihilo ako, tapos nagdugo ilong ko kahapon at nung kinuhaan ako ng BP ayun low blood pa si ate mo girl epekto ng puyat tapos nakakita pa ko ng mga post na ganito ganyan daw epekto ng pagpupuyat tapos yun natakot naman ako as in tapos sabi ko pa kagabi sa sarili ko 12 am dapat tulogna 'ko tapos mag-aalas tres na gising pa din ako HAHHAHAHHA patunay lang yun na drawing ako kung magplano HAHHAHAH musta naman body clock ko sira na HHAHHAHAHHA parang pagpu-push ko lang 'yan sa sarili ko na mag-start ng gumawa ng acad activities ayun drawing din HAHHAHAHAH sorry naman isang araw promise puro acads gagawin ko hanap muna ako motivation HAHAHHAH kasi kahit tiktok tinatamad na din ako dito lang hindi sa talaarawan at obvious naman kasi araw-araw ako nagsusulat dito.

AY! may isa pa pala akong chika kasi nagkwentuhan kami ng bunso kong kapatid 15 yrs. old na siya tapos yun tinuruan ko siya ng mga activites nila sa book na "Florante at Laura" nag-enjoy ako kasi nakikita kong natututo siya tapos willing siya makinig tapos nagshe-share din siya ng mga alam niya edi tapos na kami mag-aral tapos tinanong ko siya kung may crush siya sa school tapos di siya sumagot tapos bigla kong sinabi yung isang linya sa tiktok na " Bat mo siya binigyan ng Stick-o?" "Dinala mo pa lunchbox niya. Ano mo ba siya?" tapos bigla siyang nagkwento about sa crush niya HAHHAHAHA na totoo daw na binigyan niya ng Stick-O at ito pa Isang malaking garapon pa pati presyo nun sinabi niya tapos nung Valentine's Day niya daw binigay samantalang nung araw na iyon 'di man lang niya ko binati kahit man lang "Ate, Happy Valentines Day" alaws mga mamsh ang binati niya lang ate ko pero okay lang HAHHAHAHA mabalik tayo sa crush niya tapos yun naging masay chikahan namin kasi sa mga ganiyang edad madalas nahihiya silang magkwento kasi nga teenager at sinabi ko naman sa kaniya na 'pag mga ganoong bagay willing ako makinig sa kaniya 'wag siyang mahihiya sa 'kin kasi handa akong makinig at sabi naman niya "oo" dati baby ko lang yun ngayon malaki na siya at nakakaproud kahit halos mag-aapat na taon ng wala si mama eh maayos kaming nagagabyan ni Papa kaya proud na proud din ako kay Papa dahil hindi biro ang maging solo parent kaya pagbubutihin ko pa para sa future masuklian ko lahat hg pagod nila ni Mama. Sobrang MAHAL NA MAHAL KO SILA.

APRIL 12, 2020
DAY 28 OF Enhanced ComQua

HELLO! wait isip muna ako ng ichichika ko HAHAHHA uhm? So yung araw ko nag-start syempre nung nagising ako malamang teh! 11 am ako nagising medyo maaga wow! HAHHAHAH opo maaga na po yun para sa akin tapos nag-milo lang ako tapos nilagyan ko ng yelo para refreshing hahahaha pagkatapos non kaunting scroll sa phone tapos nag-workout ako kasama ng Ate ko tapos maya-maya makita ko nagpa-deliver siya ng Jollibee so sa'n napunta workout mga sis? HAHHAHAH ending kinain ko din bigay niya na burger steak HAHHAHAH kasi 'di pa naman ako nag-almusal at tanghalian tapos kumain din ako ng pinya tapos ang ag isang hindi nawawala sa akin ay yung vitamin C kaya araw-araw dapat nag-calamansi juice ako o pineapple juice at yun so far maintained ko naman tapos non syempre ligo tapos cellphone ulit at cellphone ulit at cellphone ulit HAHHAHA yan po talaga ganap ko today tapos isa pa palang chika yung isang aso namin na matagal ng nakakakulong kasi apakatapang ayun nakawala kaning umaga tapos pinuntirya yung alagang manok ni Papa ayun tegibels si chicken kaya GG Papa ko kasi ang taba na nung manok tapos dahil lang sa aso namin mmatetegi ng wala sa oras ending binigay ng Papa ko sa mga tropa niya sa labas para lutuin so isang anak na naman ni Papa ang nakatay HAHAHAHAH partida kumpleto yun sa Vitamins HAHHAAH sabi ko nga bilhan na lang namin siya sisiw tapos palakihin niya na lang hahhaha eh walang wala daw yun sa manok niya na nategi so okay 'wag na lang HAHHAHAHAH tapos nag-asaran ulit kami ni Ate nauwi sa kotongan HAYST! iba talaga epekto ng quarantine tapos yun nakita kami ni Papa na nag-aaway ako sumigaw ng malaks kunwari nasaktan talaga yun pinagalitan siya well nasa akin huling halakhak hahahhah wow! lakas maka-movie di ba mga mamang? 'yan lang muna for TUDEEYYY! INGAT TAYONG LAHAT LALO NA SA MGA WALANG JOWA DIYAN ALAGAAN ANG SARILI KASI WALANG IBANG GAGAWA NON PARA SA INYO!

APRIL 13, 2020
DAY 1 OF EXTENDED ECQ


HELLO! HAHAHAH sa sobrang likot ko matulog ayun nagkapilay ako basta paggising ko bigla na lang masakit yung sa may side na pinanghihiga ko hanggang ngayon masakit pa din kakaloka tapos maulan pa kanina paggising ko so yung mood ko ngayong araw pang-chill lang always naman charing HHAHAHAHHA tapos pagkatapos ko uminom ng Milo workout naman at sobra yung pinawis ko ngayon kaya ang saya ang hapdi lang sa mata nung pawis tapos nagluto ulit Papa ko nung lugaw yun lang kinain ko nung tanghalian at ngayon gabi kahit may ulam naman wala diet si ateng pero lamon nang lamon hahahhahah sorry na po agad. Nagharutan ulit kami ng Ate ko kasi sumakit katawan niya after niya mag-workout tapos yun pinuntirya ko yung sa bandang tiyan kasi yun yung masakit ending nagpaluan kami hanger HAHHAHAHAH talo ulit siya tapos iba talaga yung karma kaloka nasabit yung paa ko sa kumot tapos lagapak ako mula sa kama hanggang sahig tapos pinagtawanan lang ako ng ate ko as in tawang-tawa siya ang sakit talaga nung bagsak ko HAHHAHAHA. Ayun! nanoood din pala ako ng mga online stage plays ng Dulaang UP at stage plays ng CCP at ang gaganda sobra iba talaga saya ng puso ko tuwing nakakanood ako ng mga ganoong klase ng palabas kasi isa din ako sa mga taong gumaganap 'pag may mga stage plays kaya ang laki ng respeto ko sa mga taong nagbubuhos ng effort nila para mabuo at matapos ang isang dula at maitanghal ito sa harap ng madla buti na lang mayroong ganon kaya may pagkakaabalahan na ako bukas HAHHAHAHA yung mga napanood ko pala kanina "Ang Bagong Cristo" (DULAANG UP)
at "GALA" (CCP) sobrang gaganda bukas ang papanoorin ko pa naman a yung stage play ulit ng UP yung "Ang Nawawalang Kaptid" sa totoo lang napanood ko na 'yon ng live pero kasi sobrang ganda niya as in since in-upload naman siya sa youtube papanoorin ko ulit. 

APRIL 14, 2020
DAY 2 OF EXTENDED Enhanced ComQua

HI! pataas nang pataas yung cases ng COVID-19 at hanggang ngayon wala pang lunas sobrang nakaka-alarma ilang araw din ako hindi naglagay dito tungkol sa sakit na 'to pero kasi nalulungkot ako ang tagal na nating naka-quarantine pero good news naman eh kaunti na lang yung nadadagdag na cases dito sa lungsod namin at sana magtuloy-tuloy na. 'Yung araw ko naman ngayon okay lang normal na araw pero masasabi kong medyo may ganap kasi pagkagising ko nakahanda na yung mga ingredients na pang- spaghetti HAHHAHAHA inaantay pa talaga nila ako magising para maluto yun wala namang may-birthday trip lang nila dito sa bahay magluto at yun niluto ko naman HAHHAHAH tapos nag-order din ate ko na Jabee kaya bonggalu tanghalian namin tapos nung hapon nag-workout kami ni ate at seryosong workout tagaktak pawis namin isa na rin yun sa simpleng bonding namin tapos Laughtrip pala 'pag kamag-anak mo kasama mo tatawa lang kayo sa umpisa pero unti-unting nagseseryoso HAHAHAHHA at nakikita ko naman na may progress kami naks! HAHHAHA so pagkatapos ko maka-ayos eh nag-laptop naman ako tapos pinanood ko yung "Ang Nawawalang Kapatid" (Dulaang UP) SOBRANG GANDA AS IN ANG ASTIG NG MGA GUMANAP at masaya na naman ang puso ko kasi nakanood na naman ako ng isang dekalibreng dula. Nag-plano din pala kami ng Ate ko na mag- NO RICE DIET kasi tama naman siya useless workout namin kung panay lamon kami pagtapso kaya start kami bukas so goodluck sa amin ta-try namin kung keri namin ng 1 week wala namang masama kung magta-try HAHHAHAHAH update ko kayo bukas kung successful ba ang Day 1 namin para sa OPLAN DIET HAHAHAHHA. Ingat ang lahat!

EXCITED NA 'KONG MATAPOS ANG PANDEMYANG ITO. MALAPIT NA!

APRIL 15, 2020
DAY 3 OF EXTENDED Enhanced ComQua

HELLO! Isang thank you sa blog na 'to kasi may nasasabihan ako nang naging araw ko para akong nakahanap ng beshie tapos tuwing gabi kaming nag-uusap ganern yung feeling 'yun nga lang 'di sumsagot HAHAHHAHAH syempre takot ko lang kapag nagsalita 'to or nagreply sa mga sinabi ko HAHHAHAHA anyways ang productive ng araw ko ngayon medyo maaga ako naging 9 am kasi yung bunso kong kapatid apakaingay sa kwarto nain ng ate ko nanood ng TV at ang lakas ng volume dahil doon nawala antokelya ko mamang so ano pa ba start na ng routine ko inom milo at start na rin pala ng Day 1 ng diet namin at yun keri ko naman pala less rice. Ang kinain ko lang kaning umaga oatmeal tapos syempre milo tapos sa lunch yung spag kahapon kasi nilagay naman sa freezer kaya 'di napanis tapos water lang pero nate-tempt akong uminom ng coke kasi bumili pinsan ko pero pinigilan ako ng ate ko kaya alaws ako nagawa HAHHAHAHAH tapos ngayong gabi kinain 1/2 rice tapos 1/2 din ng porkchop tapos kape tsaka banana HAHAHHAHA oh di ba gabi na nagkape pa 'ko syempre need ko yun ngayon kasi nga balak ko gumawa ng mga pending requirements ko at nakagawa ako ng tatlo ngayon kaya super happy ko at isa pang kina-happy ko eh 'di muna tuloy yung pagbalik ng Online Class namin HAHHAHAH pero pipilitin ko na matapos ko lahat ng gawain na natira para in case na marami pang ibigay 'di ako mangarag HAHHAHAH tapos ang shunga ko sa part na kumuha ako ng off lotion ng patay yung ilaw sa kwarto ng kapatid ko yun pala kalalagay lang nung bagong tanggal na kawala sa kalan tapos doon muna nilagay yun napaso hita ko tapos namula tapos ang nakakaloka pa doon tinatawanan lang ako ng pinsan ko HHAHAHAH tapos nakapag-workout din pala ako ngayon yan lang muna. Ingat ang lahat.

APRIL 16, 2020
DAY 4 OF EXTENDED Enhanced ComQua

HELLO!  Mamang kakaloka 5 am na 'ko nakatulog kanina kasi 'di ako dinalaw ng antok yung tipong gumising na lang yung ate tapos gising din ako ang mali ko nagkape ako bago matulog ayown ang tapang ng kape "sana ol matapang" HAHHAHAHHA yung kape ko nga pa lang ininom Great Taste White keri kayo ipaglaban niyan matapang eh nanampal charot HAHHAHAHAH tapos nagising ako ng 8 am wow! sa body clock kong sira HAHAHHAH tapso syempre pinilit kong matulog ulit at nakatulog naman tapos next kong gising 12:20 pm tapos diretso brunch tapos pagkahindag workout naman tapos ligo tapos nag-milktea nga pala ako AHHAHAHAH so joke lang yung pagwo-workout pero kasi bihra na lang ako makapag-milktea kaya ginrab ko na yung opportunity sows palusot pa more HHAHAHHA pero iniiwasan ko na mga sweets at less carbs tapos nakikita ko na nag-iimprove na yung katawan ko kaya napu-push ako na mag-workout araw-araw kaya lavarn!. Nakatapos din pala ako ng ilang activities so nabawasan na beri layt yung mga gawain HAHAHHAH 'di na ako makapaghintay na matapos na ;'tong pandemyang 'to waiting ako alam kong matatapos din lahat ng mga kaganapan sa Earth. Ingat ang lahat.

APRIL 17, 2020
DAY 5 OF EXTENDED Enhanced ComQua

HELLO! Ang saya ngayong araw dami kong nagawa na... KALOKOHAN charot! syempre mayroon ding mga schoolworks dapat balanced 'di ba? HAHAHHAAH ngayong araw nakagawa ako ng apat na activities oh di ba? Kabogggg! HAHHAHAHAH pero syempre mas lamang 'yung kalokohan HAHHAHAHA. Unang kalokohan, pinag-tripan ko Ate ko habang tulog yung ate ko kaninang umaga eh nag-drawing ako sa mukha niya gamit eyeliner HAHAHHA sobrang laptrip kasi 'kala ko magagalit siya tapso inantay lang ako makatulog ulit ayun ginawa niya din sa akin kaloka pero ang saya HAHHAHAHA. Pangalawa, umakyat kami ng pinsan ko sa puno ng chico tapos tamang tambay lang habang nanti-trip tapos muntik pa yung pinsan ko mahulog HAHHAHAHA. Pangatlo, naglaro kami ng Piano tiles magkakapatid at ang saya kasi minsan lang kami magkaroon ng ganoong bonding kaya nag-suggest ako ng parusa sa matatalo ketchup-an tapos kawawa bunso naming kapatid. Pang-apat, nag-tiktok kami ng ate ko tapos tawa lang kami nang tawa kasi basta HAHAHHAHAHA. Panghuli, 'di na 'to kalokohan syempre ang fave part ng araw ko ngayong naka-quarantine at 'yun ang mag-workout tapos kita ko na pinaghirapan ko na- toned na yung tiyan ko syempre 'di pa agad abs tawag tiyan muna HAHAHHAHA so ayan po ang kaganapan ko sa life ngayong araw. K. Bye!

INGAT ANG LAHAT!

APRIL 18, 2020
DAY 6 OF EXTENDED Enhanced ComQua

HI! ang tagal naman natin makalaya gustong-gusto ko na makabalik sa normal na buhay 'yung maayos lahat tapos nakakasimba 'pag linggo at higit sa lahat wala nang mamatay at matapos na ang pakikipaglaban ng bansa sa COVID-19 alm ko namang darating yung araw na 'yon eh pero sana malapit na. Maiba tayo mga mamang nag-tiktok pala ulit ako kanina kasi halos dalwang linggo akong tumigil doon eh tapos na-miss ko kaya ayun tiktok tiktok na lang ako tapos nakapag-milktea na naman ako tapos nag-workout pero sige kain nang kain HAHAHHAHA SORRY NA AGAD. MISS KO NA MGA TROPS KO HAHAHHA MAGKIKITA-KITA DIN KAMI SOON! Ingat ang lahat.

APRIL 19, 2020
DAY 7 OF EXTENDED Enhanced ComQua

HI! sobra na 'kong nalulungkot dito sa bahay. Natatakot ako na baka hindi pa matapso 'tong pandemya na 'to at totoo ngang pati ang Mental Health ng isang tao ay pwedeng maapektuhan sa mga nangyayari sa paligid nito, minsan dumarating sa punto na naiiyak na lang ako bigla at 'di ko alam kung bakit pero kahit ganoon pilit kong nilalabana yung lungkot tapos dagdag pa na malapit na yung 4th death anniv. ni mama at hindi namin siya mapupuntahan dahil sa Bicol siya nakaburol. Sobrang miss na miss ko na yung mama ko, ang tagal niya na ring wala sa amin at nakakamiss yung mga panahong masaya lang kami at walang problema pero ngayon parang habangbuhay akong malungkot dahil sa totoo lang iba yung lungkot 'pag magulang ang nawala. Sana matapos na 'tong krisis na ito. Nanood din pala ako ng mga documentaries about sa COVID-19 at isa doon yung kay Mr. Howie Severino at pinakita niya doon yung hirap na danas 'di lang ng mga pasyente pati na rin yung danas ng mga frontliners natin. Isa rin siyang eye-opener sa lahat na sa panahon ngayon mas magandang mag-ingat kaysa magsisi sa huli.

APRIL 20, 2020
DAY 8 OF EXTENDED Enhanced ComQua

HI! Ang saya ngayong araw kasi nakagawa ako ng anim na activities sa NSTP namin, ang tagal kasi na-tengga yun tapos nasimulan kong gawin kahapon tapos tatlong activities na lang kulang ko doon kaya sana matapos ko na din yun para ibang subject naman tatapusin ko. Yung araw na ;to para sa akin naging productive kasi pati yung sa photo essay patapos ko na tapos nakapag-tiktok din ako HAHHAHAHHA yun lang problema ko tuwing gabi 'di talaga ako makatulog 'di ko alma kung bakit pero wala eh kailangan munang pumtak ng 3am bago ako antukin shaks! ano bang katawan 'to at panigurado 'pag nagkaroon na ng pasok eh mahihirapan ako mag-adjust pero sanay naman ako mag-adjust charing HAHAHHAHAH. Ingat ang lahat.

APRIL 21, 2020
DAY 9 OF EXTENDED Enhanced ComQua

HI! Sana nasa mabuting kalagayan ang lahat. Naaawa ako sa isa kong kaklase kasi nagkausap kami kahapon tapos walang wala na daw sila tapos 'di pa sila nabibigyan ng ayuda gustuhin ko man tumulong pero 'di ko alam kung papaano kasi ang layo niya din sa amin kaya paulit-ulit kong pinagpe-pray na sana matapos na 'tong pandemyang 'to at makahanap na ng gamot kasi ang dami na talagang nahihirapan dahil hindi naman lahat ng tao ay may kakayahang magkaroon ng mga supplies na tatagal ng isang buwan kaya nalulungkot ako para sa kanila. Ang hirap pala no! yung may gusto kang tulungan pero 'di mo magawa kasi ang hirap ng sitwasyon niyo kaya 'pag nagkita talaga kami yayakapin ko yun nang sobrang higpit kasi isa yun sa mga taong malapit sa akin at sana makayanan nila at maka-survive sila at alam kong kayang-kaya nila yun. Tungkol naman sa naging araw ko sakto lang kasi naging produktibo naman kasi nakapaglinis ako ng kwarto namin at organized na ang lahat, nakapag-workout ako at higit sa lahat araw-araw akong nakakapag-update dito sa talaarawan. Alam ko na isang araw ang lahat ng mga nangyayari ay matatapos at lahat babalik sa maayos na kalagayan. Ingat ang lahat. May awa ang Diyos.


APRIL 22, 2020
DAY 10 OF EXTENDED Enhanced ComQua

HELLO! Ang bilis ng araw 10th day na agad ng Extended ECQ. Nakaka-vagouht pero pananatili lang sa bahay ang pwede kong gawin para makatulong sa pagpapabagal ng pagkalat ng COVID. Bukas nakatakdang mag-anunsyo si Pang. Duterte kung i-eextend pa ba ang quarantine o imo-modified na lang pero sa malamang niyan extended pa talaga tapos mainit din nilang pinagde-debatehan ang magiging moda (mode) ng klase next shool year kung online ba o hindi kasi iniiwasan nila ang mga mass gatherings at alam naman natin na kapag may pasok ay 'di maiiwasan ang pagdidikit-dikit at hanggang ngayon eh patuloy pa din sa paglobo ang mga kumpirmadong kaso ng COVID kaya sobrang nakababahala. Wala akong masyadong ganap ngayon tulad lang ng mga dati kong ginagawa ang ginawa ko ngayon walang bago kaya nakakaloka kaunti na lang kakausapin ko na mga dahon sa mga puno dito kukumustahin ko lang joke HAHAHAHAH nagka-chat din pala kami ng mga kaibigan ko at yun ang saya kasi kahit malayo kami sa isa't isa eh connected pa din kami at kahit puro kalokohan lang pinag-uusapan namin ang saya pa rin HAHHAHA. Ingat ang lahat.

Bago matapos ang araw na ito naisipan kong manood ng mga documentaries ng i-witness at isang sampal sa reyalidad ang mga mensaheng nais nitong iparating sa mga manonood, tunay nga na grabe hirap na danas ng mga Pilipino noon at ngayon. Minsan lang ako maiyak nang ganoon sa mga pinapanood siguro dahil kawawa yung mga pamilyang nasa hindi ganoon ka-urbanisado at hindi ganoon na napagtutuunan ng pansin ng ating gobyerno, nakakalungkot pero yun ang reyalidad ng buhay at sobrang swerte ko dahil hindi ko nararanasan yung mga ganoong danas nila. Sana isang araw mai-alis na ang mga taong nasa laylayan kung hindi man ay sana kahit papaano matulungan sila at maitaas ang antas ng kanilang pamumuhay.

APRIL 23, 2020
DAY 11 OF EXTENDED Enhanced ComQua

HELLO!  share ko lang yung disgrasyang nangyari sa akin HAHHAHAHA kasi ganito 'yan napag-tripan ako nung pinsan ko at ng ate ko na sumakay daw ako sa karton para Alladin Alladin daw so ako naman 'tong siraulo sinakyan din trip nila ending ayun subsib ako sa garahe tapos yung karton natupi tapos natama sa dibdib ko tapos pati palad ko namaga tapos kaunting gasgas sa kamay. ANG SAYA 'DI BA? shunga ako sa part na 'di ako nakatayo agad kasi inisip ko yung phone ko na nasa bulsa kaya grabe yung lagapak ko, daig ko pa sumalo ng bola sa volleyball kasi buong katawan ko talaga dausdos sa lupa HAHHAHAHA pero ang saya. Nag-aabang pala ako ng Lyrid Meteor Shower dito sa garahe habang nag-uupdate ng blog HAHHAHAHA ang saya lang kasi tamang tingala lang sa langit kasi open space kaya kitang-kita ang kalangitan, malay natin maka-tsamba ako ng isang shooting star tapos makakapag-wish ako na sana matapos na ang lahat ng kaguluhan sa mundo. Gumawa din pala ako ng isa pang blog para sa mga tula kong ginawa about sa sarili, bayan at kung ano-ano pa.

Ito nga pala resulta ng kalokohan naming mag-pipinsan HAHAHAHAHA

Nakaka-badtrip nga pala yung insidente kagabi yung sa nabaril na may mental health problem, sobra akong naaawa doon kasi matapos niyang magsilbi sa bayan ganon ganon na lang sasapitin niya tapos ang nakapatay pa sa kaniya eh yung kapwa niya alagad ng batas na ang trabaho eh makapagligtas at prumotekta sa buhay ng tao pero grabe 'di man lang sila naawa, dalawang putok for real? tapos hindi sila nakikinig sa sinasabi nung mga taong mas kakilala nung binaril nung pulis. Ang hirap sa Pilipinas napaka-bulok ng sistema tapos plinantahan pa ng baril. Nakaka-inis lang tapos kaming kabataan walang magawa sa mga nangyayari kasi sobrang PALPAK NG GOBYERNO NA MAYROON TAYO. Inaantay ko din pala yung announcement ni Pang. Duterte about sa ECQ pero baka mamaya pa yug mga 10 or 11 pm so waiting akels. INGAT ANG LAHAT.

MAGIGING PANATAG KAHIT SOBRANG NABABAGABAG.

APRIL 24, 2020
DAY 12 OF EXTENDED Enhanced ComQua

HI!  paggising na paggising ko nagbukas agad ako ng facebook kasi 'di ko naabutan yung address ni Pang. Duterte at yun nga extended ulit yung ecq hanggang May 15 at isang napakahalagang event na naman ang hindi namin magagawa at yun ang 4th Death Anniv ni Mama at planado na sana yung pag-uwi namin sa Bicol kasi doon nakalibing mama ko at sobrang nakakalungkot pati ba naman yun? Na-postponed dahil sa COVID grabe na lungkot na nararanasan ko tapos dumagdag pa yun. Sobrang miss na miss ko na yung mama ko tapos miss ko na din ang mag-perform. Kailan ba 'to matatapos? Ang dami nang nahihirapan sa totoo lang. SANA MALAPIT NA!

APRIL 25, 2020
DAY 13 OF EXTENDED Enhanced ComQua

HELLO! Wala akong masyadong ginawa ngayon. Nanood lang ako ng mga documentaries ng I-Witness tapos workout taps ngayong gabi sinimulan kong manood ng K-Drama yung title non ay "The World of the Married Couple" tapos pa-episode 3 na ko HAHHAHAHAH SOBRANG GANDA, APAKAGANDA PERO MAIINIS KA DIN AT THE SAME TIME HAHHAHAHA.

APRIL 26, 2020
DAY 14 OF EXTENDED Enhanced ComQua

HELLO! Napakaganda ng araw ko kasi natapos kong panoorin yung 10 episodes ng "The World of the Married Couple" S O B R A N G   G A N D A   AT   S U P E R   I N T E N S E kaya waiting ako sa episode 11 kaso sa May 1 pa lalabas yung mga eksena doon hindi siya yung tipikal na mahuhulaan mo kung ano na susunod na mangyayari kasi madalas iniiba nila sa iniisip mo kaya kudos sa writer at producer nung show lalo na sa mga actors and actresses LAHAT SILA SOBRANG GAGALING!. Yung 10 episodes na yun natapos ko lang ng 2 araw hahahahah ganon ako 'pag nagustuhan yung isang palabas. Ingat ang lahat. Iwas muna sa stress na dala ng pandemya.

APRIL 27, 2020
DAY 15 OF EXTENDED Enhanced ComQua

HELLO!  Grabe ang productive ko ngayong araw hindi sa schoolworks kung hindi sa mga gawaing bahay HAHAHAHAH natulog ako ng 6 AM dahil sa K-drama tapos ginising ako ng 10 AM hahahha para tumulong maglinis ng bahay, garahe tsaka garden tapos pinutulan yung puno dito kaso sobrang lago na tapos yung mga dahon at mga kahoy non tinadtad namin ng maliliit para hindi ganoong sabagal 'pag nilagay sa plastic tapos nag-download din ako ng mga panibagong K-Drama na pagpupuyatan ko HAHHAHAHA goodluck talaga sa body clock ko hahahahah. Yung Papa ko pala napilayan tapos kailangan naka-angat at stable kamay niya eh wala kaming nung sa kamay na kulay blue tapos naalala ko may bandage pala kami na ginamit sa NSTP na para talaga sa mga injury ayun yung nilagay ko sa brason ni Papa at nagamit ko din yung natutunan ko sa NSTP HAHHAHAHAH ang saya lang kasi maganda talaga na may alam kami sa pagbibigay ng first aid at pag-babandage para in case nga na may ganong mga nangyari alam namin yung gagawin HAHHAHAHAH. Ingat ang lahat.

APRIL 28, 2020
DAY 16 OF EXTENDED Enhanced ComQua

HI! Ang ginawa ko lang maghapon ay manood ng K-Drama HAHAHAHHAH yung 16 episode kaya kong tapusin ng dalawang araw lang HAHAHAHHA. Natapos ko ng panoorin yung "Hi Bye, Mama" sobrang ganda as in ang daming matutunan lalo na sa mga regrets mo in life at saka dapat habang nandito ka sa mundo at nabubuhay ka ay dapat sulitin mo kasi 'pag namatay ka na, wala ka nang magagawa kung hindi panoorin na lang yung mga taong mahal mo. Yung iyak ko grabe din kasi nakaka-relate ako sa ilang mga kwento nung mga namatay na tapos naisip ko, paano kaya yung Mama ko? okay lang kaya siya? Wala ba siyang mga regrets?. Ang daming realizations sa story nung K-Drama na yun.

APRIL 29, 2020
DAY 17 OF EXTENDED Enhanced ComQua

HELLO! umiyak na naman ako kanina kasi naalala ko Mama ko lapit na death anniversary niya. Di ko kasi talaga mapigilang 'di umiyak pag bigla ko siyang naalala siguro dahil kahit mag-aapat na taon na siyang patay 'di ko pa rin matanggap na kahit kailan di ko na siya makakausap, mayayakap at masasabihan ng "I Love You" bakit kasi napakaaga niyang kinuha sa amin pero kahit ganon ang mahalaga di na siya nahihirapan sa sakit niya. Malapit nang matapos ang Abril at panibagong buwan na naman ang naapektuhan ng COVID-19. Alam kong matagal pa natin itong lalabanan at hindi madali ang humanap ng lunas kaya sa simpleng paraan na hindi paglabas ng tahanan ay gagawin ko kahit gustong-gusto ko na gumala ngunit hindi lang ako yung pwedeng maapektuhan. Ingat ang lahat.

APRIL 30, 2020
DAY 18 OF EXTENDED Enhanced ComQua

HI! kumusta? Huling araw ng Abril at tila ba wala pa ring pagbabago. Pataas nang pataas ang bilang ng mga positibo. Ito rin sana ang araw ng paglaya natin kaso lang in-extend ulit hanggang May 15. Yung naging araw ko ngayon? masasabi kong okay lang kasi nakagawa ako ng mga activities at nakapaglinis ako ng kwarto namin ni ate feeling ko ang productive ko ngayon HAHHAHAHA tapos nakapag-Tiktok din ako at nasayaw ko yung gustong-gusto kong sayaw at nakakataba ng puso kasi ang daming nag- heart reacts nung minyday ko HAHHAHAHAH yan lang muna sa ngayon. Ingat ang lahat.

MAY 01, 2020
DAY 19 OF EXTENDED Enhanced ComQua

HELLO! isang nakakapagod na araw para sa akin kasi naglaba ako ng mga damit namin at natapos ako ng mga alas tres pagkatapos non pahinga lang kaunti tapos start na ng pagsulat para sa isa naming subject kailangan naming i-summarized yung apat na chapter na mula sa e-book tapos hand-written pa besh kaya APAKASAKIT SA KAMAY 8 pages ng yellow pad ang nagamit ko at back-to-back ang sulat kaya ngayon may mga band-aid yung kamay ko kasi parang nagkapaltos HAHAHHAHAH at super saya ko kasi nakapasa ako on time, sobrang productive nung araw ko ngayon. Yung Papa ko binigyan ako ng pambili ng cellphone kasi nakita niya yung phone ko basag-basag at nahihirapan akong gamitin kaya inorderan na ako ng ate ko ng phone tapos bukas darating. Sobrang thankful ko sa Papa ko kasi kahit siya na lang yung mayroon kami hindi siya napapagod na iparamdam sa amin na mahal na mahal niya kami at hindi niya hinahayaang maramdaman namin na kulang kami kasi wala na si Mama. Mahal na mahal ko si Papa at gagawin ko ang lahat para masuklian lahat ng pagod niya.

MAY 02, 2020
DAY 20 OF EXTENDED Enhanced ComQua

HI!  S O B R A N G  S A Y A  ko ngayong araw kasi binilhan ako ni Papa ng bagong cellphone. Sobrang thankful ko talaga sa Papa ko as in. May maayos na phone na ko na magagamit at di na magha-hang tapos makakapag-tiktok na ko nang bongga tapos ngayon din nilabas episode 11 ng "The world of the Married" excited na kong panoorin kahit alam kong mabibitin ako kasi 1 hour lang yun at ilang araw pa bago ilabas episode 12 willing to wait ako kasi sobrang ganda naman ng mga ganap doon. Isang linggo na lang death anniv na ng Mama ko at tuwing naiisip ko yun na nakayanan naming mabuhay ng wala si Mama at si Papa lang ang mayroon kami okay naman kasi feeling ko kasama naman namin palagi si Mama lalo na sa kwarto kung saan madalas kaming binabato ng kung ano-ano kasi pa- umaga na gising pa kami HAHHAHAHAH. Matagal tagal pa bago makabalik sa klase at normal ang lahat pero antay lang kasi matatapos din ang lahat ng ito at isang araw makakahanap din tayo ng lunas para sa pandemyang ito. Laban at dasal lang tayong lahat. Ingat kayo at patuloy lang na magdasal para sa ikaaayos ng lahat.


MAY 03, 2020
DAY 21 OF EXTENDED Enhanced ComQua

HELLO! Ang saya ko ngayong araw kasi nagka-kwentuhan kami nila Papa at Ate tapos yun random lang mga topic pero ang saya kasi minsan lang kami magkaroon ng time para sa mga ganoon tapos nakakatuwa si Papa kasi sabi niya gagawin niya lahat para mapatapos kami at mabigay mga gusto namin as in sobrang swerte namin kay Papa tapos 'di ba kagabi may cellphone na binili si Papa para sa akin eh hindi kasi kami ganoon ka-showy pagdating sa mga sweet na bagay pero alam na ni Papa yun tapos bago ako matulog tinext ko siya kasi nag-thank you ako kasi kahit may ECQ pinilit niya kong mabilhan ng phone tapos tuwang-tuwa na si Papa sa simpleng thank you kaya babawi ako sa birthday niya sa June reregaluhan ko din si Papa. Mahal na mahal na mahal ko silang tatlo at okay na sa akin na ligtas sila lalo na ngayon at wala na kong ibang hihilingin pa. Sana andito yung Mama ko para kumpleto kami sa mga ganoong bagay. 

MAY 04, 2020
DAY 22 OF EXTENDED Enhanced ComQua

HI! Nakakaloka 'tong araw na 'to puro disgrasya inabot ko Una, nasaludsod yung isang daliri ko at ang hirap tanggalin nung kahoy na sumiksik hanggang ngayon 'di ko pa natatanggal tapos di pa ko nakaka-moved on nadisgrasya naman ako pero ngayon paa naman at isang thumb tacks ang bumaon sa paa ko tapos may kalawang pa buti nahatak ko pero grabe yung baon sa paa ko kaya hinugasan ko kaagad tapos yung dugo grabe kung sumirit kasi yung butas na nagawa nung thumb tacks ganon kalaki yung butas kaya ang bilis tumagas ng dugo KAKALOKA talaga gusto ko lang naman mag-kape kaya ko pumunta sa kusina tapos yun pa aabutin ko HAHAHHAHAHA yung tipong nasa bahay na nga lang ako napapahamak pa ako kung hindi pilay major na sugat wow lang 'di ba HAHHAHAH mag-iingat na ko nang bongga yaw ko na masaktan charing parte ng buhay yun.  Napanood ko na din pala episode 12 ng TWOTMC tapos ang astig kasi napaka-unpredictable lahat ng nangyayari, waiting sa ep. 13 HAHHAHAHA. Ingat ang lahat 'wag tutulad sa akin napaka-clumsy HAHAHHAHAHA.

MAY 05, 2020
DAY 23 OF EXTENDED Enhanced ComQua

Sobrang nakakalungkot ang araw na ito. Hindi sumapat ang mga panawagan ng mga tao na huwag tapusin ang prangkisa ng nangungunang channel, ang ABS-CBN. Hindi nga naman sasapat ang pag-kalampag ng mga mamamayan sa ating administrasyon lalo pa't kitang-kita sa kanila ang mga pansariling interes tila ba walang pakundangang inalisan ng boses ang mga mamamayan, maraming nawalan ng hanapbuhay, lumagapak ang entertainment industry para sa lahat ng mga taong halos buong buhay ay nakasubaybay. Isang hamon ito para sa lahat dahil isa itong direktang atake sa malayang pamamahayag. Paano na ang bukas? dito na rin ba magwawakas? Isa itong kalapastangan dahil sobrang dami ang naapektuhan. Nasaan na ba ang puso ng mga nakaluklok sa pwesto? ngayon pa talaga? kung kailan ang buong bansa ay nasa kalagitnaan ng paglaban sa pandemya at nangangailangan ng transparency lalo na sa kalagayan ng mga taong nakatira dito. Kitang-kita ang labis na paggamit sa kapangyarihan at dahil dito lahat ng kanilang desisyon ay walang magandang kinahantungan.  S O B R A   N A!!! INANG BAYAN, SANA LUMAYA KA NA MULA SA MGA KAMAY NA PATULOY NA GUMAGAPOS, NAGKUKULONG AT NAGPAPAHIRAP SA IYO. 

MAY 06, 2020
DAY 24 OF EXTENDED Enhanced ComQua


HI! Nakakapanibago kasi kahit gustuhin kong manood ng TV eh wala din naman yung gusto kong palabras kaya buong araw hindi ako nanood at buong araw din akong tambay sa Tiktok HAHAHA at kahit papaano parang nag-eexercise na din ako. Grabe yung init ngayon SOBRA! Yung tipong kaliligo mo lang ulit pawis ka kaagad kaya parang hindi sapat yung pagligo ng dalawang beses sa isang araw lalo na ngayon na mag-kapitbahay si Earth at Sun HAHHAHAHA kailangan din talaga na uminom ng maraming tubig ngayon para iwas stroke kasi iba talaga yung init. Lagpas 10, 000 na cases ng COVID-19 at hanggang ngayon wala pa sa kalahati ng populasyon natin ang nakakasalang para sa mass testing at nalalapit na din yung pagta-transisyon natin mula sa ECQ patungong GCQ pero sa tingin ko Malabo pang mangyari yun dahil patuloy na tumataas mga cases ng positive sa bansa at take note wala pang lunas. Unti-unti na ;kong nasasanay na maanatili dito sa bahay nang hindi nalulungkot kasi mas marami akong oras para sa sarili ko at na-eenjoy ko yung mga moment na nagkakaroob kami ng bonding time ng pamilya ko at higit sa lahat nakakasayaw pa din ako kahit papaano kaya salamat sa Tiktok HAHAHHAHA. 

MAY 07, 2020
DAY 25 OF EXTENDED Enhanced ComQua

HELLO! GRABE!!! Sulit yung paghihintay ko sa “Ang Huling El Bimbo” the musical. Sobrang ganda at sobrang nakakaiyak. Marami itong mensahe na nais ipabatid sa mga tao tungkol sa mga napapapnahong isyu na kinakaharap ng ating bansa. Isa itong pang-mulat para sa mga taong hanggang ngayon ay patuloy na nagbubulag-bulagan kahit taliwas na ang kanilang mga ideya sa katotohanan. Sana magkaroon din ako ng kaibigang tulad ni Joy na ang positibo lang sa buhay kahit puro hirap na ang danas, yung kaibigang tulad ni Joy ay dapat iniingatan dahil isa siya sa magpapakita sayo ng positbong persperktibo sa mundo. Sa mundong puro Banlaoi na walang pakundangan kung gumamit ng kapangyarihan nandiyan si Ligaya na magsisilbing pag-asa para sa mga taong naapektuhan ng katusuhan. SOBRANG SULIT YUNG PANONOOD NG ISANG OBRANG TULAD NG AHEB. MABUHAY ANG TEATRONG PILIPINO. Nami-miss ko tuloy mag-perform at sana isang araw makapag-tanghal din ako sa ganoong kalaking stage. SOON!

MAY 08, 2020
DAY 26 OF EXTENDED Enhanced ComQua

HI! Wala akong ginawa kung hindi maghapong tumambay sa garahe, paano ba naman kasi sobra yung init mamang as in. Tamang nood ng vids sa Tiktok, browse sa Facebook, Twitter at Instagram tapos soundtrip ng mga kanta ng Eraserheads ang sosolid ng kanta nila noon pa man pero nung nabigyan ito ng bagong bihis iba yung naging feels. Pinanood ko nga pala ulit yung “AHEB” sobrang ganda kahit napanood ko na kahapon. Ang gagaling ng mga casts at sa tuwing kakanta sila goosebumps talaga. Nakakatuwa pa roon kasi yung isa naming kasama sa mga stage plays ay parte nung AHEB the musical. NAPAKAGANDA TALAGA BAKA ULITIN KO ULIT BUKAS! Pansamantalang alis muna ng stress dahil sa COVID kasi sa tuwing nanonood ako ng mga stage plays sobrang saya ng puso ko pero sobra sobrang saya ko ‘pag kami mismo yung nagpe-perform. Ingat ang Lahat.

MAY 09, 2020
DAY 27 OF EXTENDED Enhanced ComQua

Isang malungkot na araw para sa akin dahil anibersaryo ng kamatayan ng mama ko at naging sariwa ulit ang lahat. Sobrang miss na miss ko na yung nanay ko. Apat na taon na din akong walang tinatawag na “Mama” tapos nakaka-miss yung boses niya lalo na ‘pag tinatawag niya kami tapos pasigaw HAHAHAH grabe yung iyak ko ngayon tsaka kagabi pero ‘di ko pinapakita kanila Papa ayokong malungkot ulit sila. Nagsindi kami ng mga kandila since ‘di kami nakauwi sa Bicol at di naming siya nadalaw, wala ring mass kaya kami na yung nagdasal para sa kaniya. Naghanda din kami ng kaunti at naglagay sa altar. SANA MASAYA SI MAMA SA LANGIT. MAHAL NA MAHAL KO YUN SOBRA.
Ngayong araw din pala kakaloka kasi 6 AM ako natulog tapos nagising ako 3PM HAHAHHA tapos kain ng BRUNCH tapos ligo agad tapos soundtrip ulit ng mga kanta ng Eraserheads. Hindi ako makaget-over sa musical play na AHEB kaya bago matapos ang oras ng streaming nito online pinanood ko na ulit sa pangatlong pagkakataon at ganon pa rin yung feels, goosebumps, nakakatawa at higit sa lahat papaiyakin ka nang paulit-ulit HAHAHA sana mapanood ko yun ng Live ang solid siguro non kaya sana talaga. Ingat ang Lahat!.

MAY 10, 2020
DAY 28 OF EXTENDED Enhanced ComQua

HI! Wala akong ganap ngayon HAHAHA puro gano’n pa din sa mga madalas kong ginagawa nanood ng Tiktok, scroll sa Fb, Ig, twitter, youtube tsaka soundtrip nung mga kanta sa AHEB yung mismong version nila. Sobrang ganda talaga ng mga stage plays at masaya ako na parte ako ng ganoong industriya. Proud to be a Theater Artist. Ngayon nga din pala ipinagdiriwang natin ang Mother’s Day at sayang kasi pang-apat na taon na ‘kong ‘di nababati si mama kasi wala na siya pero kahit gano’n si Papa yung binate naming kasi simula nung nawala si Mama siya na yung tumayong nanay at tatay sa ami at ‘di yun madali kaya proud na proud ako sa tatay ko the best siya!.

MAY 11, 2020
DAY 29 OF EXTENDED Enhanced ComQua

'Di ko alam kung paano ko sisimulan yung pagku-kwento ko. Itong mga nakaraang araw kasi 'di ko alam kung bakit ang bilis ko umiyak pero 'di ko alam yung dahilan kaya nililibang ko na lang yung sarili ko sa panonood ng K-drama kahit papaano nag-eenjoy ako, siguro kaya 'to nangyayari kasi nasa bahay lang ako tapos ang daming time para mag-reflect pero nilalabanan ko naman ako pa? STRONG AKO PROMISE! Nga pala kagabi mga 2 AM nasa garahe pa 'ko nakatambay kasi nanonod ako ng k-drama kaya 'di ko napansin yung oras tapos maya-maya may nakita akong anino na dumaan nung una 'kala ko kapatid ko tapos pagsilip ko walang tao kaya napatakbo ako bigla tapos ako na lang pala yung gising kaya pumasok na ako sa kwarto namin, natakot ako pero nagawa ko pang sundan tapos naisip ko baka napadaan lang medyo creepy kasi talaga sa bahay namin may malalaking puno tapos ang laki ng garahe tapos madilim.

MAY 12, 2020
DAY 30 OF EXTENDED Enhanced ComQua

Hanggang kailan pa ba'to magtatagal? kasi habang nandito ako sa bahay at walang magawa eh bigla bigla na lang akong nag-ooverthink hayst tapos maya-maya iyak pero syempre bawal makita ng pamilya ko kaya akin lang yung mga ganoong ganap sa buhay, walang makausap kasi nahihiya naman ako magsabi sa kanila na ganoon nararamdaman ko baka ano kasi isipin nila kaya minabuti kong sa akin na lang muna. Nag-message din pala ako sa kaklase ko i mean nakakapagsabi ako sa kaniya ng mga ganoong bagay kaya kahit papaano gumaan loob ko. Hirap nang nasa nasa ganitong sitwasyon kasi unti-unti kang pinapatay sa lungkot pero nilalabanan ko naman at hindi ako susuko hanggat 'di ko na-oovercome 'to sabi nga sa pinapanood ko na k-drama "Life can't be sweet all the time" at sobrang totoo lalo na ngayon at tumitingin na lang ako sa mga bagay na sobrang thankful ako tulad ng ligtas yung pamilya ko hanggang ngayon, malusog Papa, ate ko tsaka yung bunso namin at laging masarap yung pagkain na hinahain sa amin at syempre hanggang ngayon buhay at humihinga pa 'ko pagsubok lang 'to kaya FIGHTING!

MAY 13, 2020
DAY 31 OF EXTENDED Enhanced ComQua

Patagal nang patagal ang quarantine at padami nang padami ang cases sa bansa. Nahihirapan ang ating gobyerno sa paghanap ng paraan para mapuksa ang sakit na 'to. Mukhang matatagalan pa talaga bago tayo makalabas ng malaya at walang pangamba. Pasensiya na wala akong masyadong ganap ngayon. Ingat ang lahat.

MAY 14, 2020
DAY 32 OF EXTENDED Enhanced ComQua

HELLO! ang saya ko kasi maayos na 'ko ngayon less pangamba at less na yung pag-ooverthink at motivated ako na mas mahalin ang sarili ko at huwag balewalain yung mental health kasi importante din na healthy 'to. Malapit na matapos yung ECQ pero hanggang ngayon ang dami pa ring cases at wala pa ring lunas at mas prone ang mga tao once na ma-lift na yung ECQ at sana huwag naman na magkaroon ng second wave kasi sobrang hirap no'n at mababalewala lahat ng naunang hakbang. Wala ako masyadong ganap ngayon ganoon pa din sa routine ko. Ingat ang lahat.

MAY 15, 2020
DAY 33 Last Day of  EXTENDED Enhanced ComQua

Huling araw na ng ECQ at bukas ili-lift na 'to at magiging modified ECQ na at pwede na lumabas yung mga tao pero alinsunod pa din sa protocol pero mas nakakapagdulot ng pangamba dahil magbabalik serbisyo na ang mga mall at paniguradong dadagsa ang mga tao at sana maging mahigpit pa rin sila sa security at mag-doble ingat dahil hindi biro ang ma-infect ng COVID-19. Ingat ang lahat.

MAY 16, 2020
DAY 01 of MODIFIED Enhanced ComQua

Ngayong ang unang araw ng Modified ECQ at yun nga dumagsa ang mga tao sa mga mall at bumaik na din ang ilang transportasyon at yun nga hindi nasusunod ang social distancing na nakaka-alarma dahil nakakalabas na ang mga tao kahit alam nilang hindi pa ligtas ang lumabas at mas delikado lalo na sa panahon ngayon. Nakakalungkot lang kasi hanggang ngayon wala pa sa 1% ang nate-test para sa COVID-19 at hindi tiyak na walang nakakasalamuha na positive sa COVID na maaaring asymptomatic at maaaring maka-infect pa ng marami. Sana talaga magkaroon na ng mass testing either asymptomatic o hindi basta ang lahat mag-ungergo ng test para sa COVID. Share ko lang pala bumili yung pinsan ko ng gamit pang-bingo kasi sobrang wala na talaga kaming magawa dito at yun ang saya kasi paswertihan talaga tsaka simpleng paraan para makapag-bonding kami HAHHAHAH  eh laman ako ng binguhan noon kaya kabisado ko lahat ng patterns at rules doon HAHHAHAH. Ingat ang lahat.

MAY 17, 2020
DAY 02 of MODIFIED Enhanced ComQua

HI! wala akong masyadong ganap ngayon tamang scroll lang sa FB, IG, Twitter at nood ng vids sa Tiktok HAHHAHAH 'di na rin ako nakakapag-workout. Kanina pala nag-bingo ulit kami at nanalo ako ng 152 pesos HHAHHAHA at balak ko nga din pala magkulay ng buhok bukas kasi matagal pa naman bago bumalik sa school eh kasi ang chaka na ng kulay ng buhok ko kalahating itim kalahating brown HAHHAHA kaya sana makapag-kulay na 'ko bukas. Nasanay na 'kong 'di manood ng TV mula nung nag-shutdown ang ABS-CBN at yun kaya ko naman pala 'di manood ng TV. Ingat ang lahat. 


MAY 18, 2020
DAY 03 of MODIFIED Enhanced ComQua

HELLO! Sa sobrang walang magawa dito sa bahay eh! wala na akong makwento dito HAHAHHA kasi ganoon pa rin mga routine ko walang bago HAHHAHA. Gumawa nga pala ako ng 25 Facts about me HAHHAHA. Ingat ang lahat.

MAY 19, 2020
DAY 04 of MODIFIED Enhanced ComQua

HELLO! So ito na nga 'di ba wala akong magawa dito sa bahay? so naisipan kong magkulay ng buhok kasi 6 months naman na since nung last kong pagpapakulay kaya nagpabili ako sa ate ko ng pangkulay buhok 6 sachet kasi mahaba na yung buhok at 'di rin ako makapagpagupit so dagdag pa sa init HAHHAHAH. Sobrang saya ko kasi pag-uwi ng ate ko dala na niya yung pangkulay so hello light brown hair na naman si mamang! 'Yan ang ganap ko ngayon pasensiya na wala talaga akong malagay eh. Oo nga pala nakatapos na naman ako ng K-drama yung "Second to last love" Ang ganda tapos ang bida pa si Kim Hee Ae sobrang idol ko yun kaya pinapanood ko lahat ng movies at k-drama na siya bida at yun sobrang worth it kaya habang naka-quarantine papanoorin ko mga series niya. Ingat ang Lahat.

MAY 20, 2020
DAY 05 of MODIFIED Enhanced ComQua

HI! kwento ko nga pala 'di ba nagpakulay ako ng buhok kahapon ayun naka-impluwensiya ako yung pinsan ko nagpabili din tapos nagpakulay din siya since matagal pa nga bago kami makabalik sa klase kaya sinulit na namin yung chance na makapagpa-kulay ng herlalu HAHHAHAH natapos ko kahapon yung "Second to Last love" ngayon ang sinimula ko naman ay yung isa pang k-drama ni Kim Hee Ae yung "Mrs. Cop" at ang astig niya doon kasi ang taba ng utak detective kasi siya doon tapos medyo comedy din tapos ang solid ng team niya basta ang astig nilang lahat parang ang saya pero stress ang maging detective pero sobrang worth it 'pag na-solved na yung case HHAHAHHA ang lungkot lang kasi Ep. 9 agad ako eh 18 episodes lang yun so maghahanap na naman ako ng bagong panonoorin HHAHAHAHHA kasi baka bukas tapos ko na yun HAHAHHAH. Ingat ang lahat.

MAY 21, 2020
DAY 06 of MODIFIED Enhanced ComQua

Hi! Ang ginawa ko lang maghapon eh manood ng "Mrs. Cop" last 2 episodes na lang ako HAHAHAH keri kong tapusin yun ngayon. Kanina nga pala nag-away kami ng ate ko trip-trip lang naman pero napunta sa totoong sakitan hahahhah talo siya eh yun nga lang nasabunutan niya ko nang bongga kasi ang haba ba naman ng buhok ko kaya nahablot niya agad hahahah eh matbay naman yung buhok ko kaya kaunti lang nalagas HAHAHHA tapos maya-maya akala ko makikipag-bati na siya kasi nagdala siya ng Ramen tapos tikman ko daw tapos ayun sa sobrang anghang nasamid ako tapos tinawanan niya lang ako HAHHAHAH ang galing din gumanti kasi alam niyang talo siya 'pag bugbugan kaya dinaan niya sa pagkain HAHAHHAHA. Bumili din pala sila ng Soju iinumin namin habang nagbi-bingo HAHAHHAH tanggal naman na ang liquor ban kaya keri lang kasi sa loob lang kami ng balur at kaming magpi-pinsan lang simpleng bonding ganern 'yun lang muna. Ingat ang Lahat.

MAY 24, 2020
DAY 07 of MODIFIED Enhanced ComQua




























No comments:

Post a Comment